Tanya's POV "Hello babe," swabe ang boses na sagot nito sa kabilang linya. Napakuno't noo ako saka napaismid. Endearment ng isang manloloko. Alam nyang ako ang tumatawag at sinasadya nyang tawagin ako ng babe na dati nyang endearment sa akin. "Mr Escudero! May pangalan ako at huwag na huwag mo akong tatawaging babe dahil hindi mo ako babe. Hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa mo? May asawa kang tao!" galit ang tonong wika ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis. Narinig ko ang boses nyang parang umiiyak na hindi ko maintindinhan. "I-i wish I could still call you babe."halos pabulong nitong wika sa kabilang linya. "Hahaha! Asshole! Ano ba? Gusto ko ng matinong kausap Mr Escudero. Pero kung hindi ka seseryoso, pwedeng bukas agad e babalik na ako sa New York. Total, hindi ka naman

