ONCE again, I saw Marshall on her vulnerable state. Akala ko noon, nang umayos ang lagay nito at nakalimot ay hindi ko na ulit siya makikitang ganoon. She was crying nonstop. Hindi kumakain. Hindi nakakatulog. She was completely ruined. Hindi ko matignan si Marshall nang diretso. It felt awful looking at her like that. Sa tuwing iisipin ko kung paanong dalawang beses siyang niloko ng lalaking mahal na mahal nito ay parang gusto kong puntahan at saktan si Priston. For the past years, Marshall has done nothing wrong but to love him. Unang beses pa lang itong nagloko, ang dami nang nawala kay Marshall. She stopped studying. She stopped communicating with her parents. She didn’t know what to do. She was a wreck then. Ngayon, na akala nami’y magiging masaya na talaga ito ay ganito naman ang n

