"f**k" Patay na ba ako? Naririnig ko na ang boses ni Lenon na nagmumura. Agad kong naramdaman ang isang kamay na pinapagpagan ang pantalon ko sa bandang tuhod. Siguradong madumi iyon dahil sa pagkakadapa ko. Nang mawala na ang kamay doon ay naramdaman kong natanggal ang piring ko. Minulat ko ang mga mata ko at agad na nanlaki ang mga ito. Isang malawak na lugar kung saan maraming nakakalat na petals ng bulaklak. Sa harapan ko ay nakaluhod ang lalaking kanina ko pa nais makita. "Lenon..." namamaos na sambit ko ng pangalan niya. Nakangiti siya sa'kin habang nakalahad ang isang maliit na kahon na naglalaman ng isang napakagandang singing. "Will you marry me?" nakangiting tanong niya sa'kin. "Yes na yes agad!' sagot ko sa kanya at natatawa naman s'yang sinuot sa kamay ko ang singsing

