Mayann Sinundo ako ng driver namin dito sa Tagaytay. May meeting daw si dad kaya hindi niya ako napuntahan. Masaya akong namalagi rito ng isang linggo. Pero sa isang bahagi ng puso ko ay may kaunting kirot na nararamdaman. Umulan ang messages sa akin ni Hunter kagabi pa pero hindi ko siya sinasagot. Bakit ako nakaramdam ng takot sa kaniya? Kakaiba siya kagabi. Nanlilinsik ang mga mata at galit na galit. I never afraid of him since I met him. But last night . . . It was different. He was scary! Bumuntonghininga ako sabay pikit. Nasa backseat ako at walang kibo. Si Mang Simu ay tahimik lang rin na nagmamaneho. I saw him in the morning. He was staring at me. Nasa bakod sila kanina ni Jayden at nag-uusap no'ng pasakay na ako. His hawk eyes staring at me like I did something to him. Nang

