Mayann Nasa loob ako ng sasakyan at tahimik na pinagmamasdan ang malaking billboard ko sa Makati Highway. Walang nakakakita sa akin dahil full black ang bintana ng sasakyang kong Range Rover. Sa loob ng tatlong taon ay napaingay ko ang pangalan ko. Hindi lang modeling ang ginawa ko kun'di pinasok ko na rin ang mundo ng acting. It was fun. . .and yet pain. Lahat ng roles ay tinatanggap ko lalo na kapag mabigat na eksena. I love crying at the front of the camera. Dito nga ako mas lalong sumikat dahil sa emosyon ko. Magaling akong umiyak. Siguro ay dito binubuhos ang pangungulila ko sa anak ko. Pakiramdam ko. Kapag mabigat ang eksena na binibigay sa akin ay naipapalabas ko ang lahat ng emosyon ko. Nakakalimutan ko kung gaano ako kalungkot. Nakakalimutan ko ang sakit na dinadala ko rito sa

