Mayann Hindi ako makapag-focus sa set simula nang mag-taping kami. Palagi kong iniisip ang batang babae na nakita ko sa Italy noong mga nakaraan na bakasyon namin. Ramdam ko rito sa puso ko na siya ang anak ko. Siya si Luna. May hawig siya kay Hunter at hindi ako puwedeng magkamali doon. Bumuntong-hininga ako. Tapos na kami mag-taping sa soap opera. Pero may bago akong movie ngayon na siyang kinasasabikan ko. Hango sa akin ang story at bagay rin ang character sa akin. Tanggap ko naman na naging masama ako. . .pero. . .noon. Naging masama ako sa mga magulang ko. Aminin ko man ay naging masama na rin ako sa paningin ni Hunter. I love the title. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang proyekto nang ialok sa akin ni Direk Jollie. 'A WICKED TEMPTRESS' Ngumisi pa ako nang mabasa a

