Mayann Binuksan ko ang bintana ng aking kuwarto. Kanina pa ako hindi makatulog simula ng yakapin ako ni Hunter ng mahigpit sa labas ng mansyon. Ano bang nangyayari sa kanila ng papa niya? Bakit ganoon siya kagalit kay Hunter. Humantong pa talaga sa ikinumpara nito ang buhay ng kaniyang ina. Gustong gusto kong tanungin si Hunter tungkol sa pamilya niya pero nagpipigil lang ako. Siya iyong tipong hindi magsasalita kaya mabibigo lang ako kahit subukan ko. Tinungkod ko ang kamay sa bintana sabay pikit. Nag-alaala ako sa kaniya. Umuwi siya ng Tagaytay kahit padilim na kanina. Hinabol siya ng stepmom niya pero hindi siya bumalik. Sino ba ang mama ni Hunter? Kung noon ay curious ako kung sino si Hunter ngayon naman ay may panibago. Natuklasan ko na kung sino siya. Ano bang ginawa ng mama

