Mayann "James, stop! He is bleeding!" Sigaw ni mommy. Pilit nilang inaawat si Dad upang mabitawan si Hunter. Malaking tao si Hunter pero hindi man lang niya denepensahan ang kaniyang sarili. Hinayaan niya si Dad na paulit-ulit siyang udyukan ng suntok. Putok ang kaniyang kilay at labi. Nakaupo sa sahig at walang pakialam kung nagdudugo ang buong mukha niya. "How dare you ruined my daughter's life! How dare you!" Muling bumulong ang luha ko. Hindi naman kasalanan ni Hunter. May kasalanan din ako pero siya ang sumalo ng lahat. "I'm willing to take responsibility for her! Allow me sir!" Matapang niyang salita sa dad ko. Nang balak siyang udyukan ulit ng suntok ni dad ay agad humarang si mommy. Ang mga lolo ko naman ay hinawakan sa magkabilang braso ang dad ko. Pilit na bumangon s

