CHAPTER 42 (APPLE'S PoV) . MABILIS AKONG BUMITAW sa pagkakahawak ni Jessica sa akin at kaagad kong sinundan ang lalaki “Oy! Besh! Saan ka pupunta? Bumalik ka rito!” hindi ko na pinakinggan si Jessica. Mabilis ang aking mga hakbang para maabutan ko ang lalaki. “Zyler!” tawag ko ngunit hindi man lang lumingon sa aking bagkus mas lalo nitong nilakihan ang kanyang bawat hakbang. Nagsimula na rin nanginit ang sulok ng aking mga mata. Bakit pinapahirapan niya ako. Kung ayaw na niya sa akin bakit hindi na lamang niya sabihin sa akin ng harapan? Bakit hindi niya sabihin sa akin ang dahilan, para hindi na ako mahihirapang tanggapin na ganito ang nangyari sa inakala kong masaya naming pagsasama. “Zyler! Nasaan ka magpakita ka sa akin! Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito, please!” sigaw

