ZELLE'S POV
"Nakahanda na ba ang lahat? Baka may nakalimutan pa kayo. I don't want a hassle vacation trip for us." Sabi ni Kuya Gray at chinecheck kung may mga naiwan pa ba kaming mga gamit.
Ngayon ay napagplanuhan ng mga kapatid ko na magbakasyon kami ngayon sa Puerto Galera, Oriental Mindoro. Hindi na kami lalayo pa sa ibang bansa para magbakasyon at dito nalang muna sa Luzon naisipang mag-unwind.
"Ready na ready na kami. I'm so excited!" Sabi naman ni Elijah at sinuot ang hawak niyang shades.
Nasa Maynila pa rin hanggang ngayon si Yves at baka next week na siya makauwi dito sa San Vicente. Mukha ngang busy siya ngayon sa pagtulong sa kompanya ng mga magulang niya. Tinext ko siya at sinabing magbabakasyon muna kami ng dalawang araw ng mga kapatid ko sa Oriental Mindoro at sinabi naman niyang mag-iingat ako at i-update ko raw siya sa mga mangyayari sa akin doon.
"How about you, Zelle? Ready ka na ba?" Tanong sa akin ni Kuya Gray.
Ngumiti ako at tumango. "Ready na, kuya." Sabi ko naman at nagthumbs-up pa.
Kaagad naman nilang inilagay ang mga dala naming maleta at bag sa backseat ng sasakyan namin pagkatapos ay sumakay na kami sa loob ng sasakyan. Si Kuya Gray ang magmamaneho habang katabi niya si Kuya Ian samantalang katabi ko naman sa passenger seat si Elijah na naka headset habang nakikinig ng music sa hawak niyang tablet.
Habang inilalabas ni Kuya Gray ang sasakyan namin sa labas ng gate ay kitang-kita namin ang grupo ng mga kalalakihang nakatambay sa harapan ng bahay namin. Napailing naman si Kuya Gray habang nagmamaneho.
"Inaabangan ka na namang lumabas ng mga asungot na 'yan." Sabi niya sa akin.
Sandali namang lumabas mula sa sasakyan si Kuya Ian at nakita kong pinapaalis niya 'yung mga lalaking nakatambay sa harapan ng bahay namin saka nito isinara ang gate namin at muling pumasok ng sasakyan.
"Ang dami mo talagang admirers ate," Natatawang sabi ni Elijah. Inirapan ko naman siya.
"Kaya ikaw, 'wag na 'wag kang lalabas ng bahay hangga't wala kang ibang kasama, Zelle. Mahirap na at baka may mangyari pang masama sa'yo at bigla kang gawan ng masama ng mga lalaking 'yon." Sabi naman ni Kuya Ian habang sinusuot ang seatbelt niya.
"Okay po, kuya." Sabi ko nalang at sumandal sa upuan ng kotse.
They are being overprotective again and I'm glad that they really takes care of me.
Makalipas ng ilang oras ay nakarating na rin kami sa airport at sumakay na sa eroplano. Pinakuha muna ni Kuya Gray ang sasakyan sa driver namin bago kami umalis. It takes 1 hour and 15 mins. para makarating kami sa Oriental Mindoro kaya ang ginawa ko muna ay natulog sa buong biyahe namin. Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin kami sa Oriental Mindoro at nagtungo kaagad sa Seashore Beach Resort na nasa Puerto Galera.
Pagkarating namin sa Seashore Beach Reasort ay pumunta kami sa reception area. Natawa naman kaming dalawa ni Elijah nang makita naming parang natulala ang mga babaeng receptionist pagkakita kila Kuya Gray at Kuya Ian na nagpapabook para sa tutuluyan namin.
I can't blame those receptionist. My brothers known as the most handsome and hottest bacholer in San Vicente.
Nang makuha na namin ang room number ng tutuluyan namin ay kaagad na kaming nagtungo doon. Magkasama sa iisang room sina Kuya Gray at Kuya Ian habang kasama ko naman sa katabing room lang nila si Elijah. Nagpalit muna kami ng summer beach attires at nakaramdaman naman kami ng gutom kaya napagpasyahan namin na kumain muna.
Nang makalabas na kami ni Elijah sa room namin at pati na rin sina Kuya Gray at Kuya Ian ay napatitig naman sila sa akin at sa suot ko.
"Tsk! Bakit kahit hindi naman gaanong karevealing ang suot mo ay sa tingin ko pagpapantasyahan ka pa rin ng mga lalaking makakakita sa'yo?" Sabi ni Kuya Ian at napakamot pa ito sa ulo niya.
Napatingin naman ako sa suot ko. I'm only wearing a white sando shirt and short maong jeans na naka tuck-in at may nakapatong naman na bolero.
Nothings very sexy with my outfit.
Kuya Gray suddenly laugh. "What do you expect, Ian? Maganda at sexy ang kapatid natin and she doesn't need to wear revealing outfits para lang mapansin siya ng mga lalaki."
"Tama si Kuya Gray. Maganda ang lahi natin kaya anong magagawa mo?" Sabi naman ni Elijah at kinindatan ako.
Natawa nalang ako at napailing.
"Sira!" Natawa naman sila sa sinabi ko.
Dumiretso kami sa isang restaurant dito lang sa loob ng Seashore Beach resort at medyo nahiya naman ako nang makita kong pinagtitinginan kami ng mga tao na nasa loob lang rin ng restaurant, ang iba pa nga sa kanila ay nagbubulungan at alam kong kami ang pinag-uusapan nila. Hindi nalang namin iyon pinansin at naghanap nalang ng mauupuan. Nang makahanap na kami ay tumawag si Kuya Gray ng waiter at saka kami umorder. Nang maka order na kami ilang saglit lang ay dumating na rin ang mga pagkain at nagsimula na kaming kumain.
Habang kumakain kami ay napansin ko ang isang lalaki sa katabing table namin na pasulyap-sulyap sa akin at nang magtama ang mga mata namin ay kaagad itong nag-iwas ng tingin sa akin.
Weirdo.
"Kumusta naman si Yves sa Maynila?" Biglang tanong ni Kuya Gray habang kumakain na ikinatahimik naman nila Kuya Ian at Elijah.
"Ah, okay lang naman siya doon, kuya. Next week pa siyang makakabalik ng San Vicente." Sabi ko naman.
Tumango naman siya. "I heard na nasa San Vicente na 'yung half brother niya. Alam mo na bang may kapatid siya?" Tanong niya.
Tumango naman ako.
"Alam ko na, kuya. I already met his half brother."
So alam pala ni Kuya Gray na may kapatid si Yves. Pero bakit hindi man lang niya sinabi sa akin iyon noon?
"I know Miguel, he's my schoolmate before sa Stanford when I was in my first year of college. Nalaman ko na magkapatid pala sila ni Yves dahil tinanong ko 'yon sa kanya. I was curious that time dahil magkaapelyido pa sila. Miguel is nicer than- oh I mean he's nice and friendly to me." Sabi niya.
Nalito naman ako sa sinabi ni Kuya Gray. Mabait raw si Miguel? When the first time I saw him ay aaminin ko na mabait talaga siya sa akin noong naka encounter ko siya pero ang sabi nga ni Yves ay sobrang insecure ang lalaking iyon sa kanya kaya dapat lang ay iwasan ko na siya. Baka naman nagbabait-baitan lang 'yong Miguel na 'yon dahil ang totoo ay masama pala talaga ang ugali niya?
Mas naniniwala ako kay Yves dahil nagtitiwala ako sa mga salita niya and he never lied to me.
Tumango nalang ako at hindi na muling nagsalita pa.
Pagkatapos naming kumain ay kaagad na kaming dumiretso sa beach at napatawa naman ako nang biglang magtulakan sina Kuya Gray at Elijah sa dagat dahilan para malaglag at mabasa na sila. Si Kuya Ian naman ay bumalik saglit sa room hotel nila at kukunin daw niya ang camera niya.
Niyayaya naman ako nila Kuya Gray at Elijah na lumusong na kaagad sa dagat pero natatawang umiling lang ako at sinabing mamaya na. Umupo ako sa isang folding beach chair at pinagmasdan ang mga kapatid kong ultimo'y parang ngayon lang nakaligo sa isang beach.
"Uhm, hi?" Napalingon naman ako sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa harapan ko 'yung lalaking kanina ay sumusulyap-sulyap sa akin sa restaurant.
"H-hi rin." Nahihiyang bati ko naman. Ngumiti siya sa akin at umupo sa katabi kong folding chair.
Gwapo ito at mukha namang mabait. Mukha rin siyang koreano dahil maputi siya, matangkad at may singkit na mga mata.
Nilahad niya ang isa niyang kamay sa akin. "You really caught my attention kanina sa restaurant. Ikaw kasi 'yung pangalawang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. By the way, my name is Denver and you are?" Sabi niya at ngumti pang lalo sa akin.
Is he hooking at me?
"I already have a boyfriend." Sagot ko kaagad at tumingin nalang sa sunset ng dagat.
He chuckle at binitawan na ang kamay niyang nakalahad. "I'm sorry, hindi ko lang talaga mapigilan na humanga sa ganda mo and okay, kung may boyfriend ka na ay pwede ko bang malaman man lang ang pangalan mo? Gusto ko lang namang makipagkaibigan sa'yo, Miss." Sabi niya at mukha naman itong sincere kaya sinagot ko siya.
"I'm Zelle." Sabi ko.
"Zelle, okay. I'm sorry kung hindi naging maganda 'yung dating ng pagpapakilala ko sa'yo. Nilapitan lang kita dahil feeling ko magkakasundo tayo." Bigla siyang natahimik kaya napalingon ulit ako sa kanya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
Tumawa siya ng mapakla. "You really reminds me of my old self. 'Yung tipong loyal lang sa taong mahal niya. I know that they're already together habang ako ay hindi ko pa alam kung may babae pa bang magmamahal sa akin." Nagulat at natahimik naman ako doon.
I didn't know that he's confessing this kind of things to me. Sino ba ako para kwentuhan niya ng ganito? Eh ngayon lang naman kami nagkakilala.
"You really love her," Sabi ko.
He smiled. "I love her so much that's why I set her free dahil noong una alam ko naman na hindi ako 'yung lalaking magpapasaya sa kanya. Umalis ako ng walang paalam dahil 'yon ang best way para makalimot na ako." Malungkot niyang sabi.
Napatitig naman ako sa kanya. He's such a good guy and I was impressed on what he said. He's not selfish but he's selfless.
"Sorry, ha? Nagdadrama na ako kahit hindi mo naman ako kilala o kaano-ano. It's nice to meet you, Zelle at sana ay magkita pa ulit tayo. You're very beautiful and kind to me at sana magtagal pa kayo ng boyfriend mo. Bye!" Tumayo na ito at pagkatapos ay umalis na.
Naiwan naman akong tulala at manghang-mangha sa kanya.
Denver, I hope that you will find a right girl for you.