Chapter 13

1338 Words
MARINEL'S POV Maaga akong pumasok para masilayan si Honeypie Neil ko. Alam ko kasi na maagang na-ischedule ang basketball practice nila ni Julian. Matagal ko na kasi siyang gusto, halos tatlong taon na nga e. Parati ko siyang nagiging kaklase pero sa loob ng ilang taon ay kahapon lang kami nagkalapit at nagkausap ng ganon kaya todo ang hiya at kilig na naramdaman ko that time. Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko kahit may pagkakengkoy nga daw siya. Siguro ganon talaga kapag gusto mo ang isang tao, wala ka nang pakialam sa mga flaws niya. Nagpunta ako sa basketball gym at nakita ko nga na nagpapractice sila ng basketball. Hindi naman nila ako napapansin dahil busy sila sa paglalaro. Napagpasyahan kong umupo sa isang bleachers malapit sa kanila saka kinuha ang cellphone ko para picturan si Neil na lumelay-up ng bola. Ang galing talaga ng honeypie ko! Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang nakatingin sa akin si Denver kaya kaagad kong itinago ang cellphone sa bag ko. Baka makita pa niya na pinipicturan ko ang kaibigan niya! Sana talaga kasama ko ngayon dito si Alanis kaso masyado pang maaga kaya wala pa siya. Kawawa nga 'yung friend kong iyon dahil ginagawa siyang sunod-sunuran ni Julian na kahit si Russel ang gusto niya ay si Julian ang naging boyfriend niya. Sana talaga mabura na ang video na iyon para maging maayos na ang lahat. Aalis na sana ako sa bleachers nang makita kong papalapit na sa pwesto ko sina Neil at Denver habang sila Julian naman at ang iba pa nilang mga kateammates ay naglalaro pa rin. Napaayos tuloy ako ng sarili ko at kumakabog ang dibdib ko nang makikita ko na naman si Neil nang malapitan. "Nandito ka pala, Marinel." sabi ni Neil at siniko si Denver na nakayuko at hindi makatingin ng diretso sa akin. Bakit ayaw niya akong tignan eh kanina nga ay halos titigan na niya ako? "Ah, Oo." Sagot ko na sa tingin ko ay namumula na ako sa sobrang kilig dahil kay Neil. Ang guwapo talaga niya lalo na kapag sa malapitan! "Bakit? Pinapanood mo ba kaming maglaro? O, baka pinapanood mo si De-" Kaagad tinakpan ni Denver ang bibig ni Neil na napansin ko na ginawa rin niya kahapon para hindi na ituloy pa ang sasabihin nito. "Ang daldal mo talaga, Neilson!" Rinig kong bulong ni Denver kay Neil. Nagpeace sign lang naman si Neil sa kanya. "Ahm.. Neil, a-ang galing mong magbasketball." Nahihiyang sabi ko na mukhang ikinagulat niya. Napatingin siya kay Denver na umiwas ng tingin. Bumaling ulit ito sa akin at nginitian ako. "Salamat, e, si Denver ba magaling rin?" tanong ni Neil. Dahil namesmerize ako sa mga ngiti ni Neil ay tumango na lang ako habang nakatingin pa rin sa kanya. "Uy, Denver ang galing mo rin daw!" Siko ulit ni Neil kay Denver. Tumango na lang si Denver sa sinabi ni Neil at saka nagpaalam na itong magpapractice na ulit siya. Para ngang nawala siya sa mood sa hindi ko malamang dahilan. Naiwan tuloy kami ni Neil dito sa bleachers na ikinasaya ko pang lalo. "Sige, Marinel. Magpapractice na ulit kami. Suportahan mo ang team namin sa competition next month, ha?" sabi nito habang nakangiti. "Okay. G-galingan mo!" Sabi ko naman na pigil pa rin ang kilig ko. "Oo naman. Ako pa ba? Sige na kailangan ko nang bumalik do'n. Ciao!" Kinindatan pa ako ni Neil at bumalik na sa pagpapractice nila. Napatili naman ako ng mahina at nagtatatalon-talon. Si Neil honeypie ko ay kinindatan ako? Napangiti ako saka napatingin sa gawi nila. Busy na si Neil sa pagpapractice ng basketball at napansin ko na nakatingin na naman sa akin si Denver. Ano bang problema niya at palagi siyang nakatingin sa akin? Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na sa gym. Ito na yata ang pinakamasayang araw ko sa YGA dahil napansin ako ni Neil honeypie ko! ALANIS POV Lahat kami ay nasa field dahil may presentation ang buong 4th year high school students tungkol sa Philippine Culture at kailangan naming mag take down ng notes para sa subject namin tungkol sa history. Katabi ko ngayon sa field si Marinel at wala na naman sila Julian dahil sa practice nila sa basketball. Sana nga ay palagi nalang silang may practice para hindi ko na siya makasama pa. Hindi ko na kasi masikmura ang pag-uugali at pagka clingy niya sa akin. Pagkatapos naming manood at mag take down ng notes ay kailangan na naming bumalik sa classroom para sa next subject namin. Habang naglalakad na kami ni Marinel pabalik sa classroom ay biglang sumulpot si Russel sa harapan namin at daglian akong hinila. Naiwan tuloy si Marinel na mukhang nagtataka sa paghila sa akin ng Student School President ng YGA. "Teka! Saan tayo pupunta? May klase pa kami!" suway ko pero hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa paghila sa akin. Nakarating na kami sa rooftop ng YGA at saka ako nito binitawan. Tinitigan naman niya ako ng matalim na ikinatakot ko. "Alam ko na ang lahat, Alanis. Sinabi na sa akin ni Uste." Nagulat ako doon. Akala ko ba ay ako na ang magsasabi ng lahat kay Russel? Si Uste talaga! Hindi ako makaimik at yumuko na lang. Napa 'tsk' naman si Russel at bigla akong isinandal sa pader. Napatingin tuloy ako sa maamo niyang mukha na nagpabilis ng t***k ng puso ko. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yon para maprotektahan ako, Alanis. Wala na akong pakialam sa kahihiyan basta ikaw ang makukuha ko." sabi nito na titig na titig sa mga mata ko. Ilang sandali pa ay mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako. Napapikit ako at tumugon na rin sa mga halik niya. Naalala ko ang first kiss namin. Ganitong-ganito rin iyon. May unti-unting paru-paro ang nagwawala sa loob ko at kuryente naman na dumadaloy sa buong katawan ko. Bumaba na ang mga halik niya sa leeg ko at naramdaman ko na iniangat na niya ang suot kong skirt at hinaplos ang hita ko. "Uhm.." Ungol ko hanggang sa maramdaman ko na papunta na ang kamay niya sa gitna ko. Bigla akong natauhan saka siya itinulak. Baka kung hindi ko pa ito mapigilan ay magawa na namin iyon! Walang nagsasalita sa amin ni Russel. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. "Makipagbreak ka na kay Julian, ako nang bahala sa kanya." Seryosong sabi niya at bigla akong niyakap. Napaluha ako at niyakap rin siya pabalik. "Pero ikakalat niya ang video natin. Ayokong mapahamak ka." Kumalas naman si Russel sa yakap ko at pinunasan ang mga luha ko. "I won't allow him to do that. Trust me." Napanatag ang loob ko at napatitig sa kanya. "I like you too, Russel." Nabigla ito at halos hindi makagalaw dahil sa sinabi ko. "T-tama ba ang narinig ko? G-gusto mo ako?" Tanong niya na mukha pa ring hindi makapaniwala sa sinabi ko. I just nodded at nagulat na lang ako nang binuhat niya ako. "Gusto ako ni Alanis! Gusto niya ako!" Sigaw niya pa. Natawa na lang ako. Nakakatuwa at masaya siyang tignan. Binaba niya na ako mula sa pagkakabuhat niya at nabigla ako nang makitang naluluha na siya. "Russel, are you okay?" Buong pag-aalala kong tanong. Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko. "Ang akala ko wala nang taong magmamahal sa akin. Akala ko mawawala ka rin sa akin. This is the first time that I chase a girl and it's you, Alanis. Simula nang dumating ka sa buhay ko, ang dami nang nagbago sa akin but I'm glad that you came into my life. I'm so happy." Natouch naman ako dahil sa sinabi niya at napaluha na naman. "Ako rin Russel, ito ang unang beses na magkagusto ako sa isang lalake at sa'yo pa na bestfriend ng pinsan ko. I'm so happy na nakilala rin kita." sabi ko. He smiled at me saka ako nito muling niyakap. "Sisiguraduhin ko na tayo lang, walang ibang makikialam sa atin. Akin ka lang, Alanis." Napangiti na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD