Chapter 26

1524 Words
ALANIS' POV Masaya ako at nagkabati na kami ni Russel after nung nangyari sa apartment niya. Naiintindihan naman niya ako at sa point ko na 'Wedding Before Ehem' muna. Kahit mahirap intindihin si Russel at iba pa ang ugali nito ay kinakaya ko na lang dahil alam ko ang mga nangyari sa buhay niya. Ni hindi man lang siya nakaranas ng pagmamahal sa tunay niyang pamilya. He's born as independent person. Marunong pa siyang maglaba, magluto, maghugas ng pinggan, maglinis ng bahay at kung anu-ano pang gawain na hindi ko man lang kayang gawin. Nagtatrabaho rin siyang waiter tuwing gabi para may pambayad siya sa tuition niya at pambili ng pagkain niya. Matatag siyang tao. Naiintindihan ko rin kung bakit napaka possessive niya pagdating sa akin. Takot siyang iwanan ko katulad ng ginawa ng mga magulang niya sa kanya that's why I will never leave him. Annual event ngayon ng YGA at ang na-assign na booth sa aming klase ay ang Milktea booth. Pwede ring makapasok sa YGA ang mga taga ibang schools para bumisita sa mga hinanda naming booths, bands, games, sports at presentations. Si Russel ay busy sa iba pang mga booths at preparations na inassign sa kanya kasama ang buong Student Council members. Mamayang break time naman ay pupuntahan niya ako sa booth namin at sabay daw kaming magla-lunch. Kasama ko ngayon sa pagtitimpla ng Milktea ang mga kaklase kong sila Angelo, Frank at Wela. Ang iba pa naming mga kaklase ay busy sa pagpapaganda at pagdedesigns ng booth namin. Buhat-buhat ko ang isang maliit na sako ng Milktea powder na kinuha ko mula sa Storage room ng YGA nang nilapitan ako ni Angelo na busy sa paglalagay ng yelo sa isang rectangular glass pitcher at siya na ang nagbuhat ng dala ko. "Ako na dito, Alanis. Dapat hindi ikaw ang nagbubuhat nito kundi si Frank." Nakangiti niyang sabi. "Ah eh, kaya ko namang buhatin 'yan, Angelo." Nahihiya kong sabi. "Wushu! Nagpapa-impress lang 'yang si Angelo sa'yo, Alanis kasi crush ka niyan!" Sabi naman ni Wela na busy sa paglalagay ng cups at straw saka nginitian ng mapang-asar si Angelo. Bigla namang namula si Angelo na ikinatawa lang nila Wela at Frank. "Baka nakakalimutan mo Angelo, girlfriend na ni President 'yang crush mo kaya wala ka nang pag-asa." Sabi ni Frank na natatawa pa. "Bakit? Hindi pa naman sila kasal, ah?" sabi ni Angelo na ikinagulat naming tatlo. "A-anong sabi mo?" Sabi ko na gulat na gulat. Angelo smiled at me "Alanis, nobodys permanent in life. Lahat nagbabago katulad na lang ng feelings. It will change kung may kulang o sobra na nagmamahal sa inyo, at sa huli? Hindi rin pala kayo ang magkakatuluyan," Napanganga kaming lahat sa sinabi niya hanggang sa nilapitan siya ni Wela at pinukpok ang ulo nito gamit ang plastic cup na hawak niya. "Ano bang problema mo, Lowella? Bakit ka namumukmok diyan?" Reklamo ni Angelo. "Tumigil ka nga sa mga ganyan mo. Kapag narinig ka ni President ay nako nako ewan ko na lang!" Nakapameywang na sabi ni Wela at tinaasan nito ng kilay si Angelo. Napailing na lang si Frank at tumingin sa akin. "He has a point, Alanis pero kung kayo talaga ni President ang para sa isa't-isa ay kayo pa rin ang magkakatuluyan hanggang sa huli." Sabi niya. Animo'y nabuhayan ako sa mga sinabi ni Frank. Tama siya. Basta't pagmamahal at tiwala lang ay makakasiguro akong kami nga talaga ni Russel ang para sa isa't-isa. Nang makapag-prepare na ng 15 booths ang 3rd year high school students ng YGA ay biglang iniatas sa akin ng leader namin na si Cesca na ako raw ang i-aasign na magbebenta ng mga Milkshake sa harap ng booth namin. Ang akala ko ba ay si Wela ang naka-assign dito? "Alanis, ikaw na lang ang i-aasign ko sa front para sa pagbebenta." Sabi ni Cesca na may sinusulat sa tickler notebook niya. "Ano? Bakit ako? Akala ko ba si Wela?" Tanong ko. Ayokong magbenta sa mismong harapan ng booth namin. Nakakahiya kaya! "Maganda ka kasi kaya makakarami tayo ng hatak ng costumer niyan. Halika na! Pumwesto ka na sa harapan." Nakangisi niyang sabi at hinila ako saka ipinuwesto sa harapan. "Cesca naman!" Hindi niya ako pinakinggan at bigla na lang itong umalis. Napasimangot ako habang tinatawanan ako nila Wela, Frank at ng iba pa naming mga kaklase. "Go Alanis! Kaya mo yan!" Sabi ni Wela at kinindatan pa ako. Tumingin ako sa harapan ko at puro mga estudyante ng YGA at mga taga ibang school ang naglalakad at nagpupunta sa mga booths namin. Ilang segundo lang ay may lumapit sa booth namin na tatlong gwapo at matatangkad na lalake. Mukhang taga St. Claire sila base on their uniform. "Hi miss! Magkano 'yung Milkshake niyo?" Tanong sa akin nung gwapo at chinitong lalake na may earrings sa kaliwang tainga niya. "50 pesos lang po, sir." Sabi ko naman. "Wag mo na akong i-po. Call me Austin na lang. Mukhang magkaedad lang naman tayo, e." Sabi pa nito at ngumiti sa akin. Kahit gwapo pa siya ay halata namang playboy siya sa itsura pa lang niya. Hindi na lang ako sumagot. "Miss Beautiful, I will buy too. Make sure that you are the one who will give our orders. By the way, I'm Hendrick." Sabi naman ng lalakeng may blue na mga mata with English accent pa. Foreigner yata. "O-Okay po." Sabi ko na lang at tumingin sa mga kaklase ko sa booth. Nakangisi silang lahat sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin. "Dyosa, don't forget my order too. Ako nga pala si Collins." Sabi naman nung lalakeng long hair. Tumango na lang ako saka umalis at lumapit na sa mga kaklase ko na nasa booth. "Ikaw na ang Dyosa, te! Nakasungkit ka kaagad ng mga customer at mga papabolicious pa! Ikaw na talaga!" Tukso ng bakla kong kaklase na si Joseph but Josephine for long. Sumimangot na lang ako at kinuha na ang mga nakaready na Milktea kay Wela. "Ngiti ka naman. Sayang ang ganda." Asar niya sa akin. Napailing na lang ako sa sinabi ni Wela at bumalik na sa mga kapre kong customer dala ang mga order nila. Mga Kapre dahil ang tatangkad nila! "Here's your order sirs. Enjoy." I said. Kinuha naman nila ang mga order nila at nagbayad na sa akin. Akmang babalik na ako sa booth para ibalik ang tray na pinaglagyan ko ng Milktea nang may humila sa braso ko. 'Yung Austin. "Wait miss! Ano nga pa lang pangalan mo?" Tanong nito. Inalis ko naman ang pagkakahawak ng braso niya sa kamay ko pero hindi pa rin niya ito binibitawan. "Bitawan mo nga ako!" Sabi ko at pilit binabawi ang braso ko sa kamay niya. "Unless you said your name," Nakangisi niyang sabi. "She's Alanis and I'm her boyfriend, Russel. What's your problem?" Napatigil kami sa biglang nagsalita. When I look who it is ay si Russel ito na sobrang sama na ng tingin kay Austin. Austin and his friends laughed at Russel. "Ang possessive naman pala ng boyfriend mo, sexy Alanis-" Hindi na natuloy ni Austin ang sasabihin niya nang bigla siyang suntukin sa mukha ni Russel na ikinagulat naming lahat. Gumanti rin si Austin pero nakailag si Russel sa mga suntok niya. Sinuntok ng sinuntok ito ni Russel hanggang sa duguan na ito. Nagulat ako sa ginagawa ni Russel. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng husto. Parang hindi si Russel na Student School President ang nakikita ko ngayon kundi ay isang Russel ito na parang sinaniban ng isang demonyo. "Ang ayoko sa lahat ay ang binabastos 'yung girlfriend ko. Subukan mo lang ulit gawin 'yon kundi papatayin na kitang hayop ka!" Sigaw nito na mas lalo pang dumagdag sa kaba at takot ko. Maging ang mga kaklase ko, mga kaibigan ni Austin at ang mga estudyanteng nakakasaksi sa mga pangyayari ngayon ay nagulat sa inaasal ni Russel. Hindi siya ang Russel na Student Council President ng YGA na palangiti, kalmado, mabait at mapagpasensyang tao kundi isang Russel ito na mabangis at mapanganib. Halos wala nang malay si Austin na nakapikit na at duguan ang buong mukha dahil sa pambubugbog ni Russel sa kanya. Nakatingin lang mga tao at natatakot lapitan ang isang Student President ng buong school na ngayon lang nila nakitang magalit. Mabuti na lang at may nagsidatingan na mga guards at naawat na si Russel. Tinulungan naman si Austin ng mga kaibigan niya para makatayo ito. Bigla ay hinila ako ni Russel palayo na gulat pa rin sa nasaksihan ko hanggang sa makarating kami sa parking lot ng YGA. "Sa susunod, 'wag na 'wag ka nang makikipag-usap pa sa mga lalake kundi gagawin kong impyerno ang mga buhay nila!" Sigaw niya sa akin. Napahikbi na ako at sobrang natatakot sa kanya. Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko na ikinangiwi ko sa sakit at nakikita ko sa mga mata niya ang galit at.. pagnanasa? "Hindi ka nila maaagaw sa akin, Alanis! Sa akin ka lang at walang nagmamay-ari sa'yo kundi ako lang. Naiintindihan mo ba ako?!" Sigaw pa niya at inalog-alog ako. Napapikit ako at napaluha na. Posible kayang tama si Julian na mapanganib talaga si Russel?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD