Camila's POV "SAAN ka pupunta?" tanong niya kay Popoy. Kakalabas lang nito sa silid na inookupa nito at ni Percy. May bitbit itong unan at kumot. "Do'n ako kay Kuya Ernie matutulog. Mukhang mainit ang ulo ni Kuya Percy, mahirap na," anito na pumapalatak pa. "Ano na naman ba kasi ang ginawa mo, te?" anito na may nagdududang tingin. Mabilis man siyang sumagot, "wala ah!" defensive sa sagot niya rito. "Sus!" ani Popoy at nilayasan na siya. Kanina pa hindi namamansin si Percy mukhang hindi na nawala ang pagka-badtrip maghapon dahil sa nangyari sa coffee shop. Ni hindi ata ito naghapunan man lang. Kasalanan naman niya at kanina niya pa iyon pinagsisihan ayaw nga lang niyang umamin kasi sa isip niya may kasalanan din si Percy. Kung hindi kasi nito pinapupunta si Blessilda e, di sana hindi

