Chapter 47 PARANG batang nagdadadabog si Percy na tinalikuran siya. "Ababababa!" habol niya rito. "Hoy, Percy wala kang karapatang magalit at magdadadabog diyan dahil hindi ikaw ang lintik na bumiyahe at nagutom sa daan! Tigas ng mukha!" talak niya habang sinusundan ito papasok sa mala palasyong bahay. Mas maliwanag pala sa loob dahil sa puting pintura at mga ilaw. Ang mahal siguro ng kuryente nila... Naisip niya habang nililibot ang paningin sa buong kabahayan. Para siyang na sa isang hotel, reception na lang ang kulang. "Mama!" tawag sa kanya ni Anna na pababa ng hagdan. Napatulala siya sa anak. Ilang oras pa lang ito sa feeling ng ama pero nagmukha na agad senyorita ang anak niya. Isang light pink na dress ang suot-suot nito, doll shoes ang pansapin sa paa. Nakalugay ang itim at

