Camila's POV Ramdam ni Camila ang makakahulugang tingin at ngiti ng mga tao sa bahay pagdating nila. Sino ba namang hindi magtataka kung magka-holding hands sila ni Percy na pumasok sa loob ng bahay. Ngiting-ngiti pa ang loko, yabang na yabang habang inaalalayan siya sa paglalakad. "Ang OA mo," bulong niya rito." Tumawa si Percy. Iniakbay ang braso sa balikat niya at hinila siya nito saka hinalikan sa noo. "I love you," bulong nito sa tainga niya imbis na pansinin ang sinabi niya. Ayun na naman ang puso niya tunaw na tunaw na naman. May takot pero mas natatakban ng saya. Mahal siya ni Percy. Alam naman niya yon noon pa. Mahal niya rin naman ito hindi naman anwala yon sa paglipas ng panahon. Kaya lang napuno siya ng takot ng bumalik na ito sa buhay niya. Lalo na nang makita niya kung ga

