Camila's POV "Low?" patamad na aniya sa kung sino mang tumawag sa kanya sa kalagitnaan ng gabi. Wala sana siyang balak sagutin pero mukhang walang balak huminto sa kakatawag ang nasa kabilang linya. "Cams..." ani ng nasa kabilang linya. Pamilyar sa kanya ang boses nito. Iniisip niya lang kung sino. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang malungkot at tila paos na tinig nang nagsalita. "Sino to?" tanong niya na medyo nawawala na ang antok. "Ernie..." Tuluyan na siyang napamulat. Bumangong siya kipkip ang kumot sa katawan dahil wala siyang saplot kahit isa. "Ernie? Anong nangyare?" tumingin siya aa alarm clock na. Asa bedside table. Alas tres na ng madaling araw. "Bakit napatawag ka? Bakit ganyan ang boses mo?" tanong niya rito. Nagsisimula na siyang kabahan. "Ang tanga ko, Cams... a

