"Hindi tayo totoong kasal, Cams..." Hindi totoong kasal? - Hindi sila kasal? Pero nagpakasal sila, pumirma pa nga sila sa marriage licence nila. Kaya nga nito nakuha si Anna. Kaya niya rin apilyido nito ang gamit ng anak niya. Kaya paanong-- "Hindi ko pinarehistro ang marriage licence natin," sagot ni Ernie. Nabasa ata nito ang tanong sa isip niya. "Hindi mo ako kailangang isipin dahil wala kang obligasyon sa akin bilang asawa, Camila." Bumitaw siya ng yakap kay Ernie at umayos ng upo. Bigla parang nawalan siya ngf pakiramdam at nanlamig ang buo niyang katawan. Nakatitig lang siya sa mukha ni Ernie habang nakaawang ang mga labi. Pinipilit niyang i-proseso ang lahat ng mga ipinagtapat nito sa kanya. "Kaya kahit kailan hindi mo ako ginalaw?" tanong niya na mas tanong niya sa sarili niy

