"Te!" "Wala akong pera!" panonopla niya sa kapatid. Natatawa namang lumapit ito sa kanya. Nakaupo siya sa sahig katabi ng kama ni Ernie ng bigla na lang pumasok si Popoy. Naglilinis siya ng kuko niya dahil masakit ang ingrone niya. Buti na lang may nahiram siyang pedi kit sa mga kasambay na stay in dito. "At hinaan mo yang bibig mo kita mo ng natutulog ang kuya Ernie mo, abnoy ka talaga." Naupo sa tapat niya si Popoy. Naka-indian seat. Maging si Popoy gumaganda na rin ang kutis, mamahalin na kasi ang mga sabong ginagamit. Ang bango-bango na ng kapatid niya at mas lalong gumuwapo. "Anong kailangan mo?" aniya na busy sa pagkalkal ng kuko niya. Nakidampot din si Popoy ng nail cuticle at bulak saka nilagyan ang mga kuko. "Yuck! Baluga ka talagang bata ka!" aniya ng makitang ang dumi ng k

