Camila's POV Tumayo si Camila. "Mananatili ka pa ring asawa ko kahit anong mangyari," aniya kay Ernie. Hindi puwedeng basta na lang siyang ipamigay ni Ernie porke sinabi nitong hindi valid ang kasal nila. Eh ano kung hindi totoo? Hindi pa rin siya sasama kay Percy. Si Ernie pa rin ang pipilin niya. At kahit ipagtabuyan siya nito hindi siya papayag. Tumalikod na siya at lumabas. Nagulat nga lang siya nang makita roon si Percy. Nakatagilid at bahagyang nakayuko. Nakaharap sa kanya ang pisngi. Mukhang kanina pa ito nakikichismis. Mas nag-init ang ulo niya. "Umiyak ka ba?" nakakunot ang noong tanong nito. Naamoy niya rin ang alak sa hininga nito. Kapal talaga ng mukha nito. Nagawa pa siyang tanungin kung okay lang siya, mukha ba siyang okay? Nakangiti ba siya? Mukha bang nakatanggap ng sa

