Hindi napigilan ni Elenor ang mapaluha sa mga oras na iyon. Hindi niya alam ang mararamdaman. She could felt anger for Empress Alta and felt strange and caring.
Kumuyom ang mga kamay ni Elenor. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang nakiita at ipinakita sa kanya ng itim na usok. Hindi siya makapaniwala na nangyari ang bagay na iyon sa mundo ng witches island. Hindi niya naisip na ang isang empress ay magagawang patayin at sunugin ang mga nasasakupan nito para sa reputasyon at plano na dapat maging tagumpay. Ibig sabihin lamang no’n, sila ay nasa iba nang henerasyon at ang kanyang mga magulang. Walang alam sa nangyari sa nakaraan.
“Kaya’t nilagyan niya ng seal ang gubat na ito, dahil ayaw niyang malaman ng kanyang mga nasasakupan ngayon ang nakaraan. Natuklasan niya kasi na may mga nilalang pa ritong natira at muling nabuhay pagkatapos ng sunog na iyon. Kaya ipinagbabawal niya ang ilan sa inyo na pumunta rito,” ani pa ng taong usok sa kanya.
Hindi niya maatim na magagawa iyon ng isang pinuno. Alam niyang hangad ng empress na magkaroon ng isang makapangyarihang black magic per hindi nito basta-basta napagtatagumpayan.
“Anong maitutulong ko sa inyo?” tanong niy habang determinado na matulungan ang mga ito mula sa masamang ginawa n empress.
“Hangin, kailangan mo lang linisin ang binubuga na hanin dito sa loob ng gubat nang manumbalik kamni sa kung saan kami nagsimula,” sagot naman ng taon usok na puno ng pag-asa na nakatingin sa kanya.
Ngunit may pag-aalinlangan siya kung totoo nga ba ang pinakita sa kanya ng taong ito. Wala namang makapagpapatibay kung ano ng totoo sa hindi. Mahirap iyong tuklasin lalo a at wala siyan masyadfong alam sa mga nangyari tlaga noon sa witches island.
“Alam kong nahihirapan ka sa gusto kong mangyari. Pwede namang huwag mo na kaming tulungan at makamit ang hustisya na ipinagkait sa amin. Kung ikaw rin sa sitwasyon bnamin, siguro gagawin mo rin ang bagay na makapagpapaluwag ng damdamin mo. Trauma na sa amin ang pangyayaring iyon. Kaya hindi mo maiaalis sa amin kapag dumating ang araw na mapapatay namin ang emopress,” paliwan ag nito sa kanya.
Tumango siya na wari bang naiintindihan niya ang sinasabi nito, pero hindi halos. Kung siya nga ang nasa kalagayan nito, baka gagawin nga niya ang bagay na iyon. Baka ganito rin ang magagawa niya, makamit lang ang hustisya na hinahangad. Bumuntong-hininga si Elenor wala na siyang pagpipilian sa mga oras na iyon, kundi tulungan ang mga nilalang na naroon sa gubat na iyon, kagaya ni Deco.
“Kapag tutulungan ko kayo, maipapangako niyo ba sa akin na tutulungan niyo rin ako? Tulungan niyo akong hanapin ang mga magulang ko at ang tuklasin pa ang lihim na mayroon ang witches island. Kapag dumating ang araw na gusto ng tulong huwag kayong magdadalawang isip. Tumutupad ako sa usapan.”
Tumango ang taong usok saka itinaas nito ang kamay. May nabuo roong isang mahiwagang bato. Hindi niya alam kung ano ang nais ng taong usok sa mga oras na iyon. Ibinigay nito sa kanya iyon, saka lumuhod sa kanyang harapan. Tiala rin ba ang mga puno na naroon at usok sa paligid ay nagbigay pugay sa kanya. Hindi alam ni Elno0r pero bigla siyang nihya at pinatayo ang taong usok. Hindi siya nararapat na pagluhuran.
“Ikaw ang hinihinty nmin na magliligtas sa min mula sa masamang kamay ng reyna ng mga witches. Ikaw lang ang susi para magkaroon ulit ng kapayapaan sa buong mundo ng Verdona at Arasor. Noon pa man wala nang ginawa ang dalawang mundo na ito kundi ang mag-away at ang magsumpaan sa bawat isa. Nilikha kami ng mga witches para isama sa laban na dapat ay kanila na. dapat hindi na lamang nila kami nilikha at susunugin din naman pala kapag hindi mapapakinabangan,” kwento na naman ng tqaong usok.
Walang magawa si Elenor nang mga oras na iyon kundi ang makinig sa kwento ng kasama. Maging siya ay namumuhi sa ginawang iyon ng empress.
“Kung ganoon, maghintay lamang tayo ng tamang panahon para paghigantuihan ang empress. Hindi ngayon, masyado pang maaga at baka salakayin tayo ng mga nasasakupan at ang naglilingkod sa kanya. Mahiarp na at kakaunti lamang tayo.”
“Maghihintay kami sa iyong pasya, mahal na tagapagligtas. Simula sa araw na ito, kami ay sasaiyo. Susundin namin ang iyong mga iuutos at nais ipagawa sa amin.
Muli na namang lumuhod ang taong usok sa kanyang harapan. Pinatayo nitya ito uli nang maayos. Buo na ang pasya niya, tutulungan niya ang mga nilalang doon na inosente at namatay lamang na walang kalaban-laban.
Elenor opened her hands and draw some seal to askl for a fresh air in the nature.
Natitig lamang sa kanya ang taong usok habang manghang-mangha ito sa mahika na kanyang tinataglay. Kulay puti at itim ang nagsama sa isang malaking bilog mula sa seal na kanyang gunawa sa hangin. Inihagis niya iyon sa itaas sa mabilis na kilos, saka iyon sumabog sa ere. Lumakas ang siimoy ng hangin sa paligid. Matapos ang ilang sandali, kumalma at nag-iba ang kanilang paghina.
Parang kumalma ang kanilang sistema.
Bumaling si Elenor sa taong usok nang magkaanyong katawan ito. Isa pala itong babaae na sa hinuha niya’y kasing edad niya lamang ito. Mahaba ang itim nitong buhok hanggang sa baywang, matangos ang ilong, makapal ang mga pilik-mata at ang kilay. Maganda ang babae na nasa harapan niya ngayon. Napaka-inosente ng mukha nito. Napahinga siya nang malalim nang bigla na lamang siya nitong yakapin nang mahigpit.
“Maraming salamat at tinlungan mo kaming makawala sa bangungot ng nakaraan. Handa ka naming tulungan kapag gusto mo ang aming tulong. Ako nga pakla si Marsa.”
Inilahad nito ang kamay sa kanyang harapan. Agad naman niya iyong tinanggap at siya rin ang nagpakilala.
“Ako naman si Elenor. Masaya akong makilala at matulungan kayo. Sa ngayon, kailangan na munang maging lihim ang lahat nang ito. Walang dapat na makarating sa labas. Kapag mangyari iyon, mabibisto tayong lahat at tiyak na masusundan ng kamataya,” ani niya habag seryoso ang mukha na nakatitig kay Marsa.
Tumango naman ang babae saka ngumiti sa kanya at muli na naman siyang niyakap.
“Matutulungan mo ba akong mahanap ang mga kasama ko? Kailangan na naming makabalik sa witches academy. Kung hindi baka maparusahan kami ng reyna.”
Tumango naman ang kasama ni Elenor. “Pwede ko kayong dalhin sa iisang lugar lang sa pamamagita ng telepathy. Nang sa ganoon makabalik na kayo agad sa witches island. Pero ang problema, kung sinoman ang makapapasok dito ay hindi na makalalabas.”
Ngumisi si Elenor dahil sa nakikita niyang pag-aalala na namumuno sa mukha ng kasamang babae na si Marsa. Kung ganoon, ang tingin nito sa kanya ay isang mahinang witch sa kabila ng kanyang ginawa kanina. Pero hindi na siya magsasalita pa, bahala na si Marsa kung ano ang iisipin nito tungkol sa kanya.
“Dalhin mo na kami sa iisang lugar lang.”
Pagkatango ni Marsa ay ang pagpikit nito. Hinatak siya ng isang usok papunta sa masukal na gitna ng kagubatan habang ang mga kasama ay palinga-linga sa paligid.
“Oh, shocks! Guys! Nandito lang pala kayo!” iyak na sigaw ni Asora sa kanilang lahat habang tinatakbo ang kanilang distansya sa isa’t isa.
Napatingin siya kina Damien, Randal, Adoe, Asora, at Harvy. Nawawala si Deco, hindi na kasama nina Randal at Asora.
Inilibot niya ang kanyang mata sa paligid, natanaw niya ito sa hindi kalayuan habang nakakubli sa isang patay na puno. Tinaas nito ang kamay bilang isang senyales na nagpapaalam na ito sa kanya. Ipinitik niya ang kanyang kamay at may pinalipad na maliit na dahon ng isang bulaklak. Sinigurado niyang hindi iyon nakita ng mga kasama.
“So paano na tayo makababalik ngayon sa witch academy?” tanong ni Adoe na mukhang problemadong-problemado.
“Alam ko kung saan ang daan, kya huwag na kayong mag-alala diyan,” ani najman ni Randal na wari bang nagmamayabang sa mga kasama.
Bumuga na lamang ng hangin si Elenor. Wala na siyang magagwa kundi hayaan na lamang ang lalaki muna na maging proud ito sa sarili. Mamaya na lamang siya magpe-presenta kung magkaligaw-ligaw sila at hindi pa makalabas ng gubat na iyon. Malay niya, baka nga alam naman ni Randal ang daan palabas ng gubat.
“Kung ganoon, simulan mo nang ituro sa amin ang daan,” ani naman ni Harvy, habang determinado na itong makaalis ng gubat na iyon.
Wala na silang hinintay pa at nagsimula nang maglakad si Randal sa unaahan. Samantalang siya ay nasa hulihan. Inulit na naman ang kanina na inoobserbahan ang mga ito. Hinintay na lamang niya na makalabas ng gubat na iyon.
Makalipas ang ilang libot sa loob ng kagubatan, hindi pa rin mahanap-hanap ni Randal ang daan palabas ng kagubatan. Puno na ng reklamo mula sa mga kaibigan ang kanyang natatanggap sa mga oras na iyon.
“Ano ba Randal? Alam mo ba talaga kung saan ang daan palabas?”
“kanina pa tayo libot nang libot dito. Hindi pa rin tayo nakalalabas!”
“Mukhang hindi na talaga tayo mskalalabas dito! Natatakot na ako! Dali na Rahndal?”
Napabuntonghininga na lamang si ZEolenor. Napakaingay ng mga kasama niya. Samantalang siya nag tahimik sa likuran habnag pinagmamasdan ang mga ito na magsigawan at ang mag-away-away. Wala na siyang magagawa kundi siya na ang magpresenta na ituro ang daan kung saan.
“Ako, alam ko kung saan. Huwag na kayong mag-away-away diyan,” ani niya na siyang nagpatahimik sa lahat. Sa kanya ang lahat ng tingin ng mga ito.
“Seryoso ka ba Elenor? Paano mo malalaman kung bagong dating ka lang dito?” tanong sa kanya ni adoe habang nakataas ang kilay.
Gustong-gusto nang gilitan ni Elenor ng babae sa kilay nang hindi na ito makataas ng kilay sa kanya.
“alam ko ang dinaanan natin kanina. Kaya makalalabas tayo,” puno nang kasiguaraduhan niyang sagort dito.
“Kung yaw niyong maniwala, ayos lang sa akin. Basta ako asy aalis na sa gubat na ito.”
Inisa-isa niyang binigyan ng tingin ang mga ito bago siya tumalikod at nagsimulabng maglakad. Hindi pa siya nakahahakbang ng limang beses nang biglang sumigaw si Randal at Asora sa kanyang pangalan.
“Elenor, sasama kami sa iyo!” ani Asora sabay kapit nito sa kanyang braso. Hindi siya kumibo at hinayaan ang dalawa na sumunod sa kanya.
Sumunod na rin sina Damien at Harvy. Naiwan si adoe habang napairap sa hangin. No choice. Mag-isa lang siya, wala siyang kasama. Edi sasama na lang din siya.
Napangiti nang lihim si Elenor. Hindi niya inaasahan na ganoon kadali kunin ang tiwala ng jkanyang mga kasama. Siguro ganooon din ang gagawin niya kung sa ganoon siyang sitwasyon, mailitgtas lang ang sarili.
Mabilis silang lumabas ng gubat nanag matanaw na nila ang pinanggalingan kanina. Humiyaw pa ang kanyang mga kasama. Habang yakap-yakap naman siya ni Asora.
“Thank you talaga, elenor. You save me earlier, at ngayon kung hindi dahil sa iyo baka hanggang ngayon naglilibot pa rihn tayo sa malawak na gubat na iyon dito kay Randal,” pqahayag ni asora habang nakangiti nang malawak.
Napakamot naman sa batok niya si Rahndal saka natatawa. “Pasensya na, makakalimutin lang.”
“salamat sa iyo, Eleenor.” Ani naman ni Damien t Harvy sa kanya.
Nginitian niya ang dalawa nang isang peke. Pero hindi naman niya iyon pinahalata sa mga kasama. Kailangan niyang mag-ingat sa mga ito, lalo na nagyon at nalaman niyang ang mismong empress nila ay may masamang ginawa noong nakaraan. Ang iniisip ni Elenor sa pagkakataong iyon ay kung ano nga ba ang dahilan kung bakit itinayo nito ang witches academy? May masama na naman bang binabalak ang matandang iyon?
Naramdaman niyang tinapik siya ni adoe sa kanyang balikat. Hindi makatingin nang deretso sa kanya ang babae. Wari itong nahihiya sa kanya, siguro sa sinabi at nangyari kanina.
“Pasensya ka na sa sinabi ko kanina, Elenor. Sana maintindihan mo na dahil nasabi ko lang iyon, kasi natatakot na ako. Sana mapatawad mo na ako.”
Tumazngo siya bilang tungon dito. Wala na silang inaksaya pang oras at madali silang bu8malik sa witch academy sakay sa kanilang magic broom. Ganoon na lamang ang kanilang paghinga nang maluwag nang hindi man lang nadagdagan ang oras simula nag umalis sila kanina. Ibig sabihin, mab agal ang oras sa loob ng gubat na iyon.
Napatanaw si Elenor sa tower. Malalaman din niya ang buong katotohanan sa mga darating na araw.