“Elenor! Aminin mo nga sa akin kung ano ang pinaplano mong gawin? Bakit ka nagkakaganyan? Ano ang nangyayari sa iyo? Kailangan ko na bang mag-ingat?” taning ni Barguso habang nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kanyang babaeng iniibig na ngayon. Buo na ang pasya niya na hindi na itutuloy ang masamang plano noong maging asawa niga si Elenor. Buo na ang isipan niya sa bagay na iyon at hindi na magbabago. Ayaw niyang may masamang mangyari sa babae, lalo na ngayon na lumalala na ang karamdaman nito. Gumagapang na ang itim na mga ugat sa buo nitong tiyan. Minsanan din sinusumpong si Elenor na parang sinasaniban ng ibang katauhan. Hindi na maintindihan ni Barguso ang nangyayari. It na ba ang bunga ng pagkuha nito ng kapangyarihan ng magical tree? Akaa niya ay pagmamahal niya ang gamot sa

