Greta's Pov “SALAMAT po sa paghatid, Sir,” saad ko at akmang bababa na ng sasakyan nang pigilan ako nito. “Ahm… may kailangan pa po ba kayo?” Napakagat-labi ako. ‘Sh*t, ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako nauutal?’ Bakit parang may kakaibang kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ako. Ano ba ‘to? Kinakabahan ako. Sana lang hindi niya mahalata ang pagkautal ko. Sana hindi niya mahalata ang kakaibang nararamdaman ko. “Uhmm… I’m sorry for what happened.” saad nito habang nakatingin sa mga mata ko. “Okay lang po ‘yon, Sir. Medyo nasanay na rin po ako sa pakikitungo sa akin ng kasintahan niyo,” sagot ko. Wala naman akong magagawa. Dahil kahit gustuhin ko mang umalis sa mansyon at maghanap ng ibang trabaho, walang saysay din naman. Walang i

