Adam's Pov “BAKIT ang tagal mong magbukas ng pinto? May kasama ka ba sa loob?” tanong ni Ino, at sumilip pa talaga ito sa loob ng aking kwarto. “May narinig din ako kanina, may kasama ka ba? Nasaan siya?” “It’s none of your business, man.” Binuksan ko ng tuluyan ang pintuan para makapasok ang mga ito. Ino, Jasper, and Ken—hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng mga ito ngayon dito. Wala naman kaming usapan na pupunta sila dito. Umupo ako sa dulo ng kama, habang ang mga ito ay nakatayo at nagpapalinga-linga sa paligid. “Looking for something?” I asked. Tumingin si Jasper sa akin. “Are you hiding something?” “No. And even if I do, wala na kayong pakialam doon.” “Oh, so you really are hiding something, huh?” “So what?” “Whatever!” Umupo ang mga ito sa sofa dito sa loob ng kwarto ko

