“Ma’am? Ano po ang nangyari? Bakit po kayo nanginginig at umiiyak?” natatakang tanong ni Ate Vanessa. Luhaan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Pagkatapos ay wala sa sariling nayakap ko siya. Literal na nanginginig sa takot ang buong katawan ko at labis-labis na naninikip ang dibdib ko. Maging ang paghinga ko ay lalo lang nagpapakirot sa puso ko. “Ate, paano kung mamatay ang baby? Tapos… tapos, hiwalayan na ako ni Asher kasi… kasi iyong babaeng iyon na ang pakakasalan niya? Saka, girlfriend niya si Lovella, bakit may iba pa siyang nabuntis?” sunod-sunod kong tanong. Hindi ko alam kung sa kaniya ba ako nagtatanong o sa sarili ko. Bakas ang matinding awa nang tumingin siya sa akin. “Hindi ko alam kung ano po’ng nangyayari, Ma’am. Bawal po kasi ang makialam kami sa mga bagay na walang k

