“Ano ito?” gulat kong tanong nang may iabot siya sa aking isang paper bag na kulay red. “Tingnan mo na lang para hindi mo na kailangang magtanong,” masungit niyang sagot at saka tumalikod na at pumasok sa banyo. Ilang segundo lang ay narinig ko na ang tunog ng pagdaloy ng tubig mula sa showerhead. Napalabi na lamang tuloy ako at ipinatong ang paper bag sa kandungan ko. Maingat kong ibinuka iyon para makita ang laman. Kusang sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makita ang magandang lalagyan na tila matigas na plastic. Maingat ko iyong inilabas at saka ko napagtantong red berry cake iyon. Napansin ko rin ang tila espesyal na kutsarang may korteng tinidor. Tinanggal ko ang laso ng cake at ibinuka ang tumatakip dito. May magandang disenyo ang ibabaw niyon kaya parang nag-aalangan akong k

