“Hi! Bakit bigla mo yata akong gustong makita? Nami-miss mo na ba ako agad? Mahigit one week pa lang tayong hindi nagkikita, ha?” malanding tanong ni Analyn nang dumating sa condo ni Asher. Kasalukuyan naman nakikipag-usap itong si Asher kay Bobby na ngayon ay nasa Germany para sa ipinag-uutos niya rito. Tinapos niya ang tawag bago hinarap si Analyn. “Well, I heard something that made me feel annoyed,” diretsahang pahayag ni Asher. “What is it?” malambing namang tanong ni Analyn at kumapit pa sa braso ni Asher. “I actually miss you in bed…” dagdag pa niya. “I heard you already have a boyfriend. Pinaglalaruan mo ba ako, Analyn?” kunwa’y galit na tanong ni Asher. Gulat namang tumingin sa kaniya ang dalaga at halatang kinabahan. “H-Ha? Well…” medyo nautal siya at hindi agad alam ang isas

