Kinabukasan ay naisipan ni Sabrina na paunlakan ang paanyaya sakanya ng dalawa nitong kaibigan,mula kasi ng makalabas ito ng hospital ay dina sya na dalaw ng dalawa bukod sa hapon na ang uwi ng mga ito ay nasa Cavite na din sya nakatira ngayon. Sakatunayan ay naiinip na din sya sa mansion mag iisang lingo na din kasi itong hindi lumalabas dahil na din sa iniiwasan nitong magkita silang muli ni Arcel. Dahil araw ng linggo ngayon at walang pasok ang dalawa sa opisina ay napag kasunduan ng mga ito na sa mall of asia na lang magkita para hindi na rin gaanong matagtag sa byahe si Sabrina. Pag dating ni Sabrina sa mall ay naisipan munang mag ikot ikot nito habang kasama ang driver nito upang alalayan sya at bantayan na din tulad ng bilin ng kuya nitong si Dexter sa mga tauhan nito dahil na tr

