Pag dating sa office ay tulala lamang si Sabrina dahil napapa isip ito kung bakit wala na si Arcel kaninang pag gising niya,inaasahan pa naman ni Sabrina na magpapaliwanag ito sakanya tungkol kay Sydney ngunit hindi ganoon ang nangyari.
Nakatanggap siya ng messages mula kay Jerson,at dahil wala naman na siyang ginagawa ng mga oras na iyon ay naisipan niya ng sadyain ito sa Arcade..
Pag dating doon ay sinalubong siya ng binata at inabot ang isang kahon,
"Ano to?"
Pagtatakang tanong naman ni Sabrina habang inaalog alog ang kahon na hawak.
Ano pa edi regalo ko sayo!nakangising sabi nito sabay kurot sa pisngi ng kaibigan,at tila gulat na gulat naman si Sabrina ng maalalang birthday niya nga pala ngayon araw,at napahawak pa ito sa bibig sa sobrang pagkagulat..
Oh thank you Jerson buti kapa naalala mong birthday ko ngayon,samantalang ako nawala na saisip ko sa dami ng mga problemang iniisip ko.
Nakangiting sabi naman nito sabay hawak sa braso ng kaibigan at inaya itong pumili ng mauupuan nila.
Saglit namang natigilan si Jerson ng maka-upo na silang dalawa,
Sabrina may itatanong sana ako sayo,totoo ba?
totoo ba yung sinabi ni Mr.Sebastian kagabi?
Tila nawala naman ang ngiti sa mukha ni Sabrina ng marinig ang tinatanong kaibigan,hindi niya kasi alam kung paano niyang ipapaliwanag dito ang lahat ng nangyari..
"Oo"maikling sagot nito sabay tango,
Why?i mean paanong nangyari?kailan at saan kayo kinasal?bakit hindi mo man lang nabangit sa akin,
Pagtatampong tanong nito na tila gulat na gulat sa tinuran ng kaibigan.
Jerson,naaalala mo ba nung araw na kailangan na kailangan ko ng pera dahil kailangan na ni lolang magpaopera?Inalok ako ni sir Arcel ng tulong pero ang kapalit noon ay kailangan kung magpakasal sakanya.
What!! tila gulat at hindi makapaniwala si Jerson sa mga narinig.
Bakit hindi mo tinanggap ang alok ko sayong tulong noon,handa naman akong tulungan ka Sabrina bakit kailangan mung pumayag sa gusto niya,tell me Sabrina alam mo ba kung anong dahilan niya kung bakit pinakasalan ka niya?
Umiling lamang ito dahil ang totoo ay wala naman talaga siyang idea kung bakit nga ba siya inalok ng kasal ng binata.
See,hindi mo naman alam,bakit ka pumayag!
Sabrina hindi ako papayag na gamitin ka lang ni Mr.Sebastian,kilala ko ang kalakaran ng mga negosyante hindi kikilos o magbibigay ang mga ito ng tulong basta basta.
Teka Jerson ano bang ibig mong sabihin?pagtatakang tanong naman nito sa kaibigan ngunit bago pa man sagutin ng binata ang tanong niya ay dumating sila Donita at Sara.
Hoy Sabrina ang daya mo bakit nauna kang bumaba hindi mo man lang kami hinintay!
Ah pasensya na hindi pa naman kami kumakain eh,dito na kayo umupo sabay sabay na tayong kumain,pag aalok ni Sabrina sa dalawang kaibigan.
Jerson okay lang bang isabay na natin silang kumain,nakangiting tanong nito at tumango naman ang binata bilang pagsang ayon..
Habang kumakain ay tumatakbo pa rin sa isip ni Sabrina ang sinabi ni Jerson at halos mag kasingkahulugan ang sinabi nito at ang sinabi ni Calvin sakanya.
Oo nga pala Sabrina para sayo!regalo naming dalawa ni Sara,nakangiting sabi ni Donita habang inaabot ang isang paper bag..
Akala mo nakalimutan yung birthday mo no?Pangaasar na dugtong Sara sabay kurot sa pisngi ng kaibigan..
******
Mabilis na lumipas ang mag hapon kahit naging abala sa trabaho ay dipa rin maalis sa isip ni Sabrina si Arcel,kahit isang text ay wala itong natanggap kay Arcel kung noon halos oras oras siya nitong pinapatawag upang magpunta sa opisina.
Pagkatapos ng nangyari sakanila kagabi inaasahan pa naman niyang magiging okay na ang lahat at magpapaliwanag ito tungkol kay Sydney at kung ano naba ang status ng relasyon nila pag katapos nitong sabihin na mahal siya nito..
Pag katapos ng trabaho ay dumeretso agad sa condo si Sabrina naisipan niyang magluto ng hapunan kahit nahihiya ay nag send ito ng messages kay Arcel at sinabing umuwi ito dahil magluluto siya para i celebrate ang birthday niya..