31

392 Words
Chapter 31 Tangahali na ng makarating sila sa condo ni Arcel,Halos mapanganga naman si Sabrina ng makapasok sa loob, Napakalaki ng at napaka luwag ng sala napaka aliwalas din tingnan nito dahil may malaking bintanang salamin sa living area nito at napaka simple lang ng ayos na tamang tama lang para sa isang lalaki, Ngunit tulad ng sinabi nito ay iisa lang ang kwarto pero napaka laki naman nito at doble sa laki ng sala. Nilibot kupa ang paningin ko hanggang sa umabot ako sa kitchen nito,nagtataka lang ako kung sino kaya ang naglilinis dito,dahil napaka linis ng lahat ng gamit animoy alikabok mahihiya talagang dumikit. Kitchen ang isa sa pinaka paborito kung parte ng bahay at madalas kung tambayan,dahil mahilig akong mag luto at mag bake ng kung ano-ano. Halos lahat ng cabinet ay kompleto ng gamit at mga stocks,nakakatuwang tingnan dahil kahit lalaki ang nakatira dito ay napaka organized ng lahat ng mga gamit at ultimo expiry date ay naka print. Pagkatpos kong malibot ang napaka linis at napakagandang kusina ay napansin ko rin na may isa pang pintuan binuksan ko iyon at naisip kung baka opisina niya iyon o kaya naman ay library dahil marami ding mga libro sa bookcase. Nais kupa sanang pasukin iyon at libutin ngunit tinawag ako nito sa kwarto para ituro kung saan ko pwedeng ilagay ang mga dalang kung gamit,pag katapos ay nagsimula na akong mag ayos ng mga gamit ko. Kung ako ang tatanungin napaka luwag talaga ng kwarto niya at kahit tatlong king size na kama satingin ko ay kakasya sa dito Napaka manly ng motif nito sa kwarto light gray and black lang ang makikita mong kulay,napansin ko ring mahilig ito sa mga succulents plants dahil maging sa island bar ng kitchen at bathroom ay meroon non. Tanghali na ng matapos ko ang mga nililigpit kong mga gamit,tinanong ko naman ito kung anong gusto niyang iluto ko pero nag sabi itong nag pa deliver na ito ng pag kain at sinabing kumain na ako. Nag sabi itong aalis at kailangan pumunta ng opisina dahil sa biglaang meeting pumayag naman akong mag paiwan dahil di nanamn nakakatakot sa condo niya at maliwanag pa naman. Hindi na rin ako nagtanong kung anong oras siyang babalik,ayoko namang umasta ng parang isang tunay na asawa dahil tulad ng sabi niya sa papel lang kami kasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD