Chapter 42
Woow!
Ang daming pag kain na nakahain sa mahabang mesa punong puno iyon ng mga seafoods at mga prutas meron ding bulalo at inihaw na mais at mga hotdogs may letchon din at kung ano ano pa..
Halos mapuno ng tawanan ang hapag kainan habang kumakain kaming lahat nakakatuwa din makita na pati ang mga derektor ay nakikisama sa aming mga staff pati rin si sir Arcel ay kasama namin.
Naka upo si Sir sa dulong bahagi ng mesa katabi niya ang mga derektor at producer ng magazine kasama rin namin ang manager ng mga modelo at si Ms.Maxine na mukhang patay na patay kay sir at katabi pa nito.
Ahhm nga pala sir Prince totoo bang girlfriend niyo yung sikat na modelo nasi Ms.Sab Castillo.?
Tanong sakanya ng katabi niyang derektor.
Halos mabulunan naman ako ng marinig ko yun napatingin din sakin si Sara at Donita at biglang napangiti.
Satingin ko di nila alam na ako yun,sabagay sino ba naman makaka alam na ako yun kung ganito itsura ko at suot na damit ang layo layo sa itsura ng nakita nilang si Sab Castillo.
Yes! Girlfriend ko nga siya.
Nakangiting sagot naman ni sir Arcel habang nakatitig sa akin..
Tskkk! Ano na naman kayang nasa isip nitong surot nato!
Naka simangot kung bulong ko sa isip ko.
Pansin ko rin namang tumaas ang kilay ni Ms.Maxine sa narinig na tinuran ni sir Arcel pero pilit parin ito ngumiti ng nagkatinginan silang dalawa.
Nagtuloy pa ang usapan nila pero diko na lang pinakingan dahil sigurado namang iniinis lang ako ng lalake na yon at pinag patuloy kuna lang pag kain ko.
Pag katapos naming kumain ay tumambay muna kame sa labas ng cottage namin para mag kwentuhan nila Sara ng biglang dumating si Ms.Maxine at nag aaya ito na mag swimming daw kahit saglit lang tutal maaga pa naman at marami pang naliligo sa beach.
Tinangihan namin ito dahil bukod sa malamig ay hindi rin kami marunong lumangoy at wala din kameng dalang extrang damit pamalit pero nangulit parin ito at sinabing marami silang extrang two piece sa van nila.
Halos lumuwa naman ang mga mata namin ng makita ang mga two piece na dinala niya,eh halos labas na yung kuyukot namin pag sinuot iyon pero talagang makulit ito at nag pakuha pa ng bathing suit para lang pumayag kami sa gusto niya.
Sumama na lang kame sa van nila at kame na lang ang namili ng isusuot namin sa totoo lang ay maganda naman ang katawan ni Sara at Donita yun nga lang ay hindi lang din kame sanay na ganon manamit lalo na yung dumaan sa harap ng mga tao.
Rush guard at cycling ang kinuha ko at si Donita at Sara naman ay bathing suit pag katapos naming mamili ay nagpalit na din kame sa loob ng cottage inalis kuna din ang salamin ko sa mata dahil alam kung maliligo kame kaya nag palit ako ng contact lens pag katapos naming mag bihis ay lumabas na din kame..
Wow napatulala naman kami ng makita namin si Ms.Maxine na naka two piece ito at sobrang hot niyang tingnan at siguradong lahat ng makaka kita sakanya ay mapapanganga.
My god Sabrina bakit naman ganyan ang pinili mo?
Ano kaba wala ng araw ohh gabi na bakit naman balot na balot ka? Wala kabang nagustuhan sa loob?
Ahh ehh ok nako dito isa pa hindi ako sanay sa lamig eeh
Nahihiya ko namang sagot dito.
You know what Maxine?If you want to brag your self in front of others then go,wag mung idamay si Sabrina.
Nagulat naman kami ng biglang mag salita si sir Arcel at naka krus ang mga braso nito sa dibdib niya at dahan dahang lumalapit sa pwesto namin.
Oh well i am sorry hindi ko naman alam na paka strikto mo sa mga tauhan mo ahee..
Nakangising sabi ni Ms.Maxine kay sir Arcel.
"She creased her brows,
Yeah you right! actually i dont want Sabrina to exposed even small part of her skin.
"Sarkastikong sabi nito sabay tingin sakin ng masama na sya namang inilihis ko ng tingin..
A-Ahhh ehh tara napo mag s-swimming na tayo Ms.Maxine gumagabi napo ehh ahehe.
Palusot kung sabi dito baka humaba pa ang usap.
Pag kaaya ko dito ay sumunod naman ito pero halatang nagulat sa sinabi ni Sir at rumurehistro sa mukha nito ang pag ka disgusto,samantalang parehas ding napatulala at napanganga si Sara at Donita kaya mabilis ko ding hinatak ang dalawa at iniwan na namin si Sir sa cottage.
Nakita kong nag eenjoy si Donita at Sara kaya kahit na nilalamig na ako ay pinilit kupa ding mag lublob sa tubig nagtataka lang ako kung bakit kahit gabi na ay marami pa ding naliligo sa dagat.
Samantalang sila Sir at mga manager ay masayang nag kukwentuhan sa table ng isa bar habang nanunuod ng mga nag ffire-dance.
Hey guys! tara let's drink!
may alam akong bar dito na nag sserved ng masarap na wine .
Masayang alok naman samin ni Ms.Maxine na sinang ayunan naman agad ng dalawa
Sure Ms.Maxine matagal tagal na din po kaming hindi nakaka inom.
Sabik na pag sang ayon ni Sara.
What about you Sabrina?
Yes po sasama ako,para mawala yung lamig sa katawan ko..
Nakangiti ko namang sagot dito.
Pag ka ahon namin sa dagat ay bumalik na muna kame sa cottage para maligo at mag bihis nag pahatid din si Ms.Maxine ng tatlong summer dress.