Tila hindi naman nakapagsalita si Sabrina sa sakit na nararamdaman nito at tila gusto na nitong mamalipit sa sakit at pilit paring tumayo,tinukod nito ang kamay sa upuan at kumuha ng lakas para tumayo. Mabilis naman tumakbo papasok ng opisina si Calvin para alalayan si Sabrina sa pagtayo,at bahagyang natigilan ito ng marinig ang sinabi ni Sabrina. Ano bang masama kung kasama ko ang a-asaw--, Hindi napa nito natuloy ang sasabihin dahil bigla itong nawalan ng malay,ngunit bago pa ito muling bumaksak ay nasapo na ito ni Calvin na mabilis na mang inalalayan ni Donita. Pagkatapos ay dumating din si Jonas at Sara na tila na estatwa ng makita ang dugo sa suot na pangbaba ni Sabrina.. Kahit na guguluhan ay mabilis na lumabas si Sara upang puntahan si Peter at ipaalam kay Secretary Mia ang nan

