Habang binabagtas nila ang Edsa ay naki-usap si Sabrina na ihatid siya nito sa bahay ng lola niya dahil sabik na sabik na itong makita ang matanda,hindi naman tumanggi si Arcel at doon niya ito hinatid. Tulad ng sinabi ni Sabrina ay nagpapaba lang ito sa kanto malapit sa bahay nila,dahil siguradong pag kakaguluhan siya ng mga tao pag nakita tong bumaba sa harap ng bahay nila. Isang matamis na halik at pag katapos ay umalis na din si Arcel at dumeretso sa condo nito upang magpahinga saglit dahil may i-mmeet pa itong client bago mag tanghali. Lolaaaa! Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong bahay ng makapasok ito doon,mabilis naman siyang sinalubong ni Siony upang tulungan sa mga bitbit nitong plastic,namili kasi sila saglit bago dumeretcho sa bahay ng lola niya. Apo! Tuwan

