Chapter 22
Good Afternoon Sir! Bati ni Mia kay Arcel ng dumating ito sa opisina.
Dumating napo ang mga magazine galing sa RAFFA Jewelries at pinaaabot din po nila ang request contact para kay Ms.Sabrina para po maging model at ambassadress ng company nila, Pahabol pang sabi nito
Okay call Sabrina at sabihin mo din mag punta siya dito ngayon din.
Yes Sir noted! Mabilis na tinuran ni Mia at ginawa ang iniutos nito.
*****
Sabrinaaaaaaa!! look at you here!!
Malakas na sigaw ni Donita na naka agaw ng atensyon naming lahat habang hawak ang isang magazine.
Holly s**t! Your so damn sexy here Sabrina!
Gulat na sabi naman ni Jonas habang tinititigan ang magazine.
Sabrinaa hindi lang yan ang goodnews!
Pinapasabi din ni Sectarary Mia na nag padala daw ng request contact ang RAFFA Jewelries para sayo at balak kang kunin bilang ambassadress at model ng company nila.
Masayang sabi ni Sara habang naka hawak sa mga kamay ko.
Natutuwa ako dahil masaya sila,natutuwa din akong makita ko ang sarili ko sa magazine na sobrang ganda,pero dipa din maalis sa isip ko na si mommy ang isa sa may-ari ng RAFFA Jewelries.
Tulad ng inaasahan ko ay tatawagan ako ni Secretary Mia,pero nag pasya akong hindi iyon sagutin dahil alam kung kukulitin lang nila ako about sa request contract na galing sa RAFFA Jewelries kayat nag pasya na akong umuwi ng hapon din iyon.
After noon ay naka received naman ako ng text mula kay Jerson,nagsabi itong mag kita kame after ng trabaho ko at di naman ako nag dalawang isip sa alok niya dahil sabik din akong makita ito.
******
Where's Sabrinaa? Anong oras na!
Halos pasigaw na tanong ni Arcel habang naka pamewang ito sa harap ni Mia
Sir pasensya napo pero naka ilang tawag nako pero dipa din po niya sinasagot ang tawag ko.
Baka po busy si Ms.Sabrina kaya nag iwan na lang po ako ng message sakanya.
Magalang na paliwanag ni Mia rito at muling iniyuko ang ulo.
Iniiwasan niya ba ako?Okay naman yung coffee na ginawa niya kagabi ahh,
Tanong ni Arcel sa isip niya.
It's Okey ako na ang pupunta sakanya kung busy siya.
Matigas na sabi ni Arcel at biglang tumayo sa swivel chair niya at kinuha ang contract sa drawer at lumabas.
Huh Sir? Sigurado po ba kayo Sir? gusto niyo po tatawagan ko nalang ulit.
Pagtatakang tanong ni Mia dahil first time niya lang narinig na nag sabi ng ganon ang boss niya dahil mula pa noon ay di nag aabala si Arcek sa mga ganong klase ng issue sa company at panay sa kanya ini uutos.
Ako pupunta sayo kung ayaw mong sagutin ang tawag
Sabrina,You can't say no to me,
Kaya wala kang choice kundi makipagkita sakin.
Naka kunot noong sabi ni Arcel sa isip habang binabagtas nito ang hall way papasok sa elevator.
*****