Habang naglalandas ang tubig sa katawan ni Arcel ay gumuguhit naman sa mukha nito ang isang matamis na ngiti,halos di niya mapaniwalaan na si Sabrina pala ang babae na matagal ng hinahanap ng mommy niya. Yung totoo kanina niya pa gustong yakapin ang dalaga ngunit nag aalangan ito dahil nababakas niya sa mukha nito ang pagkagulat at pag kailang. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ito at saglit na lumabas upang silipin kung nasa sala pa sila Sabrina ngunit tanging ang mommy niya nalang ang nandoon at si Kylie. Naisipan nitong puntahan ang dalaga ngunit nagpigil ito dahil baka may makakita sakanya kaya't bumalik itong muli sa kwarto at naghintay na pa ng ilang oras. ******* Alas dies na ng gabi pero hindi parin makaramdam antok si Sabrina kaya't lumabas muna ito tumuloy sa likod na bahagi

