Chapter 2
Pag dating ko ng bahay mula sa palengke ay mabilis akong nagtungo sa kusina upang makapag luto ng pagkain para sa hapunan naming dalawa ni lola,inalalayan naman ako nito sa pagluluto at kwenentuhan ng kung ano ano para hindi ako mainip.
Pagkatapos naming magluto ay kumain nadin kame ng hapunan at pagkatapos ay ako na ang nag ligpit at nag ayos sa kusina upang makapag pahinga na rin ito.
Pag katapos kung matapos makapaglinis sa kusina ay nag paalam nako kay lola at dumeretcho sa kwarto ko para narin makapag hilamos at masimulan ang mga request na disenyo ng damit na gagawin ko para sa next project ng team ko.
Ngunit bago pa man ako makapasok ng banyo ay may narinig akong nabasag at kumalabog sa may kusina,kaya't madali akong lumabas at dumeretcho sa kusina sa pag aakalang baka may naka pasok na naman na pusa.
Pero pag pasok ko ay laking gulat ko ng makita ko si lola na halos naka yuko na at hawak ang dibdib nito at sa sobrang taranta ko ay madali akong tumakbo papunta sakanya.
Tinanong ko sya kung anong masakit at kung ano nangyayari sakanya ,pero dina siya makapagsalita at panay lang ang kabog nito dibdib niya.
Inakay ko sya palabas ng kusina ngunit nagulat ako ng bigla nalang itong tumumba sa sobrang taranta ko ay nag sisigaw nako para humingi ng tulong.
Pag labas ko ng gate ay sumigaw akong muli at humingi ng tulong, mabilis ko namang nakuha ang atensyon ng mga taxi driver na kasalukuyang naka parada sa tapat ng karinderya na malapit sa bahay namin nag punta ang mga ito sa bahay upang alamin kung ano ang nangyari.
Habang binibuhat nila si lola ay kung ano anong pumapasok sa isip ko,takot na takot ako ng mga sandaling iyon ,sa sobrang taranta ko ay panay paki usap ko sa driver na bilisan ang pag ddrived nito.
Pag dating sa hospital ay mabilis naman nilang inasikaso si lola dineretcho nila ito sa ER at naiwan ako sa labas,habang naghihintay sa labas ay naisipan kung tawagan sila Donita at Sara.
Pasado alas nueve nadin ng gabi ng dumating si Donita at mabilis akong kinamusta nito at kung ano ang lagay ni lola.
Maging ako ay hindi kupa din alam kung ano nabang nangyayari dahil mula ng pinasok si lola ay wala pa ding lumalabas na nurse para kausapin ako kung anong lagay niya.
Nagulat naman ako ng bigla lumabas ang isang nurse at nagmamdaling nag papakuha ng oxygen tank sa mga staff,nagtatanong ako kung ano ba ang nangyayari sa loob pero ang sabi lang sa akin nito ginagawa na daw nila ang lahat kaya't mag hintay lang daw ako at kumalma.
Ilang sandali pa ay dumating nadin si Sara at mabilis nagtungo sa pwesto namin ni Donita,ramdam ko ang pagyakap sa akin nito at sinabing kumalma lang ako pero iyon angbagay na hindi ko kayang gawin sa mga oras na iyon.
Ms.Sabrina Castillo?
Tawag ng nurse sa pag labas nito ng ER..
Mabilis namang tayo ni Sabrina at lumapit ito sa nurse at tinanong kung kamusta na ang lola niya.
Ka ano ano niyo po ang pasyente?
lola ko po siya,Maikling sagot ko dito..
Sige po pasok muna po kayo sa loob at kaka-usapin po kayo ni Doc.
Tumango naman ako dito,pag katapos ay nag paalam muna ako kila Sara at Donita upang pumasok sa loob.
Pag pasok sa loob ay sinalubong ako ni Doc at kina usap.
Hello Ms.Castillo ako si Doc Cuevas, Base sa kalagayan ng lola mo ay nakitaan namin ito ng ilang sintomas sa sakit sa puso,ngunit hindi ito basta simpleng sakit sa puso hija,
your lola have significant heart failure, where the heart is having trouble pumping enough blood around the body (usually the result of coronary heart disease, cardiomyopathy or congenital heart disease) she have severe symptoms, and despite for medical treatment.
Hija kailangan na ng heart transplant ng lola mo para madugtungan pa ang buhay niya,
Po? Heart transplant?Doc hindi kupo maintindihan bakit po kailangan ng heart transplant ng lola ko,eh mukha naman po siyang malakas,
Mangiyak ngiyak kung sabi sa Doctor na kausap ko.
Hija mahina na ang puso ng lola mo,at ang tanging maipapayo ko lang ay heart transplant,yes meron tayong mga gamot pero hindi iyon sapat para sa kalagayan ng lola mo sangayon..
Doc magkano po ba ang H-eart Tt-ransplant? Pautal-utal kong tanong sakanya.
Hindi biro ang halaga ng pag papa heart transplant dito sa ating bansa..aabot ito ng 700k to 1million,or more kasama pa ang mga gamot at ilang pangagailangan nito habang nag papagaling.
Tila nabuhusan naman ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang kakailanganing halaga para sa transplant ni lola..Pakiramdam ko ay unti unting nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko upang makatayo pa,nanlalambot ako at nanginginig,,
Saan ako kukuha ng ganong kalaking halaga?Tanong ko sa sarili ko...
Doc ilang percent po bang makaka survive si lola pag naisagawa ang operasyon?
75 -80 percent ang tsansang maka survived ang mga pasyente dahil 61 palang naman ang lola mo ay kaya pa ng katawan nitong isagawa ang operasyon,
Ilang taon naman po ang itatagal ng buhay ng lola ko after ng transplant?
Sorry to say pero 4-5 years lang ang siguradong madudugtong sa buhay nito,ngunit my mga rare case na nakaka survived after 5 years,pero meron din namang hindi tumatagal kahit na isagawa na ang transplant,kung minsan kasi ay nagkakaroon ng ilang komplekasyon.
Lalong nadurog ang puso ko sa sinabi ng Doctor ngunit wala akong magagawa,,Napa hilamos nalang ako ng mukha at tulalang lumabas sa ER,Mabilis naman akong sinalubong ng dalawa at tinanong kung anong lagay ng ni lola .