Chapter 49
Miss paki palitan nalang to ng frappe,
Sabay tulak ng babae sa tray na hawak ni Sabrina,
Sorry po ma'am pero nagawa na po kasi,pero sige po papalitan kuna lang ,pero okay lang po bang maghintay po kayo ulit?
Magalang na tanong nito sa babae ngunit bigla itong tumayo sa upuan dahilan upang matamaan ang tray at madulas ang paper cup na may lamang mainit na kape.
Bumuhos sa kaliwang braso niya ang kape kaya't mabilis niya iyong ipinagpag.
Ngunit natalamsikan niyon ang babaeng costumer dahilan upang mag ngitngit ito sa galit at sigawan siya nito.
Ano ba naman dika mag ingat!tingnan mo ginawa mo sa uniform ko!
Satingin mo komportable pa akong pumasok sa opisina na ganito ang suot ko!alam mo bang hanggang umaga pa ako dito!
Galit na sabi nito at halos magtinginan lahat ng mga empleyadong kumakain sa loob ng Food Arcade.
Maam sorry po,pero kayo po ang naka tabig sa tray na hawak ko kaya't natap---
Dina nito natapos ang sasabihin niya dahil muli syang sinigawan nito..
Hindi na rin naman na sya muling nagsalita pa dahil mahapdi nadin ang braso niyang natapunan ng mainit na kape.
Ma'am pag usap nalang po natin ito pasensya napo sa nangyari,
Mahinahing sabi ng Shift leader ng coffee shop pero tila ayaw nitong makipag ayos at hindi parin timitigil sa pag sasalita at natigil lang ito ng may biglang dumating at nagsalita.
Excuse me what's happening here,
Good evening po sirJerson aksidente po kasing natalamsikan yung damit ni ma'am nung matapunan ng kape si Sab sa braso niya dahil tinabig ni maam yung tray.
Pang uuyam at inis na sabi ng Shift leader ni Sabrina habang inis na sumusulyap sa costumer na nag iinarte..
Tila hindi naman nagustuhan ng babae ang sinabi ng Shift leader kaya't nagsabisabi na naman ito, pero agad din iyong natigil ng mag salita si Jerson..
No problem sa office nalang po natin ayusin to dahil nakaka abala napo tayo sa ibang costumer, lahat naman po ng corner ng mga stall dito ay may cctv camera tulad po nito,
Sabay turo nito sa cctv camera na nasa harap ng counter.
Tila bigla namang nag iba ang timpla ng mood ng babae ng malamang may cctv camera sa may pwesto nila.
No need,mag aaksaya lang ako ng oras,basta sa susunod ayusin niyo kilos niyo! hindi yung lalampa lampa kayo tapos kame pa yung sisihin niyo!
Sabay haya nito sa kaibigang kasama at mabilis na lumabas sa loob ng food arcade.
Mabilis naman pumasok sa loob si Sabrina upang hugasan ang braso nitong napaso ng kape,
Nako Sabrina namumula na yung braso mo,tingnan mo ohh lumolobo na yung balat 185° ba naman yung kapeng natapon sayo.
Ang arte arte kasi ng babae iyon oorder order ng espresso tapos papapalitan ng iba.
Sige na ako na muna ang bahala dito,at mag punta kana muna ng clinic tapos mag out kana rin para makapag break time at pahinga ka.
Inis na sabi ng leader nito at sinabihan siyang mag punta ng Clinic.