52

668 Words
Chapter 52 Mabilis na tumakbo ang oras ang naging abala silang lahat sa opisina dahil kailangan nilang tapusin ang ilan sa trabaho nila dahil sa darating na long weekend vacation ng kompanya. Kasalukuyang naman nag papahinga si Sabrina ng bigla siya pinuntahan ni Peter para papuntahin sa office ni Arcel dahil nais itong kausapin para sa next project nila at agad naman itong nag tungo doon. Good morning Ms. Mia,good morning Sir Arcel formal na bati nito sa dalawa na mabilis naman kinainis ng mukha ni Arcel. Akmang lalapit na ako kay sir Arcel ng biglang bumukas ang pinto ng office at may pumasok na isang maganda babae. Narinig kupang pinigilan ni ms.Mia na makapasok ang babae ngunit nag derederetso lang ito at napahinto naman ako sa pag lalakad ng masagi ako nito. Hindi naman ako nito nilingonat mabilis na lumapit kay sir Arcel at niyakap niya ito ng mahigpit. Tila natigilan naman ako ng makita mismo ng dalawang mata ko kung paano nitong hinalikan si sir Arcel sa harapan ko. Bakas sa mukha nito ang pag kagulat sa ginawa ng babae at nakita ko ring hindi ito tumugon sa halik na ginawad sakanya. Ngayon ko lang napagtanto kung sino ang babaeng humalik sa asawa ko,hindi ako maaring magkamali siya yung babae na ilang beses ko ng nakitang kasama ni sir Arcel. Pakiramdam ko gusto ng kumawala ng puso ko sa pagwawala, Sino ba ang babae na iyon?ano ba ang relasyon nila?at kung may relasyon man sila bakit ako pinakasalan ni sir Arcel Pakiramdam ko ano mang oras babagsak na ang luhang kanina pang namumuo sa dalawang sulok ng mata ko. Ngunit hindi ko maintindihan bakit ang sakit sa pakiramdam, bakit parang tinusok ng isang libong karayom ang puso ko sa nakita ko. Hindi kuna kinaya pang pagmasdan silang dalawa kayat nag pasya na akong lumabas ng opisina pero bago iyon ay nag paalam muna ako. Ikinalma ko ang sarili at formal akong lumapit sa mesa ni sir Arcel para kuhanin ang folder na dapat ay iaabot niya sa akin. Ihahatid kuna lang po ito kapag naiayos kuna lahat. Sinabi ko iyon ng deretchong nakatitig sa mga mata niya at walang kaemo emosyong tumalikod at lumakad palayo sakanila. Narinig kung tinawag pa ako ni Sir ngunit hindi kuna pa sya nilingon,mabilis namang sumunod sa akin si Ms.Mia at nakita ko pa ang pag kagulat sa mukha nito. B-abalik nalang po ako kapag wala na ang bisita ni sir Arcel. Pautal-utal na sabi ko rito at nag paalam nadin ako at umalis. Pag dating sa elevator ay sumunod sa akin si Sir Calvin nagulat ako kaya't mabilis kung pinunas ang mga luha ko upang hindi nito mahalata ang pag iyak ko.. Can we talk?, Maikling tanong sa akin nito,tumango naman ako at sumunod sakanya sa office niya I want you to be straight forward with me Sabrina Seryosong tanong nito sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. May relasyon ba kayo ni Prince? Po?bakit niyo naman po naitanong yan sir Calvin, I saw you and Arcel at his condo nakita ko ring sabay kayong pumasok kanina..anong relasyon mo sakanya? Listen to me Sabrina,ginagamit ka lang ni Prince, Tila naguguluhan naman ako sa mga sinasabi ni sir Calvin. Nag-away sila ni Sydney dahil bigla nalang kasi itong umurong sa kasal" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Umurong sa kasal? Sir Calvin, bakit mo sinasabi sa akin yan? Naguguluhang tanong ko rito. Bata palang kami ako, si Arcel at si Sydney ay magkakasama na kami. Sabay-sabay kaming lumaki saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa. Para ko nang kapatid Sydney kaya ayoko siyang masaktan Alam ko kung gaano kamahal ni Prince si Sydney at kung paano umikot ang mundo nito sakanya kaya alam kung ginagamit ka lang ni Price para masaktan si Sydney. Tila hindi naman ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko,siguro tama nga siya na ginagamit lang ako si Sir Arcel,kaya tinulungan niya ako para pumayag na mag pakasal at magamit niya para pagselosin si Ms.Sydney.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD