Pagdating sa mansion ay nagulat ang dalaga dahil di niya inakala na sobrang yaman pala ng ginang na kasama,mula sa labas ng mansion ay masasabi niyang napaka elegante talaga kaya't dina siya magtataka kung ano ang itsura nito sa loob. Buong giliw silang binati ng mga kasambahay pag pasok nila,natuwa naman si Sabrina dahil mukhang mababait ang mga tao sa mansion,kaya naisip nitong hindi mahirap pakisamahan ang ginang at ang buong pamilya nito. Inilibot pa ng dalaga ang kabuuan ng mansion masasabi niyang kulang ang isang oras upang makita ng buo at pag aralan ng loob ng bahay dahil sa sobra laki at dami ng pintuan na nakikita niya. Hija halika may ipapakita ako sayo,naka ngiting aya sakanya ng ginang habang binabagtas nila ang hagdan patungo sa 2nd floor at pumasok sila sa isang napakalak

