PALABAS na siya sa kaniyang condo nang makita niya si Reynier na naka-upo sa kanyang sofa. Tumingin ito sa gawi niya nababasa niya ang pagtataka sa itsura nito. "Oh, bhe, saan punta mo?" kaagad na tanong ni Reynier sa kanya. Bihis na bihis kasi siya gan'on din si Kianna. "Hmmm bounding with girls lang, bhe, ikaw muna bahala dito sa bahay ko ah," habilin niya sa kaibigan. "Sige, bhe, regards mo 'ko kay Janen ha?" pahabol nito. "Opo," natatawang sagot niya. PAGDATING niya sa restaurant ng kaibigan niyang si Jonamie ay kaagad niyang nakita si Mariel at Myca. "Oh! Anak mo?" manghang tanong ni Mariel. "Oo, "di ba halata?" biro niya habang buhat-buhat ang anak. "Hindi!! Wala man lang na mana sa 'yo," direktang sagot nito. Simaan niya naman ito ng tingin. Kahit kailan talaga napaka-abnor

