Matured Content Habang pauwi sila ng asawa ay hindi siya nagsasalita. Tinatanung siya ni Adrian kung ok lang ba siya o may nararamdaman ba siyang hindi maganda dahil nga sa pananahimik niya. Iling at tango lamang ang tanging naging sagot niya dito. Kaya naman nakita niyang bumuntong hininga ito at muling binalik ang atensyon sa pagmamaneho. Pagdating nila sa kanilang bahay ay pinagbuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan at inalalayang makalabas. “Careful hon.” Sabi nito na tanging tango lang ang kanyang sagot. Kaya inalalayan siya ng asawa papasok sa kanilang bahay hanggang sa kanilang kuwarto. Alam niyang tinitingnan siya ni Adrian at nakikiramdam. Kaya naman nauna na siyang pumasok sa cr para makapag half bath dahil nararamdaman niya ang lagkit dulot ng init sa labas. Paglabas niy

