Adeline Sarmiento Kasalukuyan siyang nanood ng tv ng pumasok si Manang sa entertainment room nila para ihatid ang miryendang binilin ni Adrian na ibigay sa kanya. Dahil sa nangyari ay talagang pati ang kinakain niya ay dapat may gulay at dapat pagkatapos kumain ay dapat kakain din siya ng prutas. Sabi nga niya dito masyado na itong OA dahil alam naman niya ang gagawin pero kailangan pang ulitin pa sa kanya. Ang sagot nito sa kanya “Hindi na baleng OA kesa naman halos hindi ako makapagisip ng maayos dahil sa pagaalala kapag meron kayong hindi magandang nararamdaman ni baby.” Kaya naman hinayaan niya na lang kasi naman kahit anung kontra niya ito pa din naman ang masusunod. Natakot lang talaga siya nung biglang kumirot ang puson niya, siguro talagang masyado siyang napagod nung araw na

