Adrian Santiago Naalimpungatan siya ng may narinig siyang ingay na nagmumula sa kanilang cr. Paglingon niya sa kanyang katabi ay wala sa kanyang tabi si Adeline. Kaya naman mabilis siyang bumangon at pinuntahan ang pinanggagalingan ng ingay. Nakita niya si Adeline na nakasalampak sa lapag habag sumusuka sa toilet bowl. Mabilis nitong inayos ang buhok nito para hindi ito tumabing sa kanyang mukha habang hinahaplos niya ang likod ng asawa. Nakaramdam siya ng awa sa asawa. Dahil panay pa din ang duwal nito kahit halos wala na ito mailabas. Kung puwede nga lang na kuhanin nito ang nararamdaman ng asawa ay ginawa na niya. Nang nakita niya tumigil na ang asawa sa pagsusuka ay inalalayan niya itong tumayo at siya na ang nagflush sa toilet bowl. Habang nagtoothbrush si Adeline ay kumuha siya

