Adrian Santiago Napangiti siya ng makita niyang nahihimbing pa ang tulog ang asawa. Nang tingnan niya ang orasan sa kanyang side table ay 6:00 pa lang ng umaga. Dahil wala siyang pasok ngayong araw ay balak niyang ipagluluto ng almusal ang asawa. Kaya naman maingat siyang tumayo sa kama para hindi niya maistorbo ang tulog nito, binigyan niya ito ng halik sa ulo nito at hinaplos ang tiyan ng asawa. Pagbaba niya ay nakita niya si Manang na dala dala ang mga pinamili nitong sariwang ulam. "Iho magandang umaga, magaalmusal na ba kayo? Kadarating ko lang kasi galing sa palengke at namili ng mga ulam. Kaya ngayon palang ako magluluto ng almusal." Sabi ni Manang sa kanya. "Ok lang po Manang wala naman po akong pasok ngayon kaya po balak ko sanang ipaghanda ng almusal ang asawa ko." Sabi niya

