Adeline Sarmiento Pagmulat niya ng kanyang mga mata ang nakangiting mukha ni Adrian ang kanyang nakita kaya naman hinalikan siya nito sa kanyang labi habang ang kamay nito ay nakayap sa kanyang tiyan. “Good Morning hon how are you feeling?” Tanung sa kanya ni Adrian. Kaya naman bigla siyang napakunot ng noo dahil ang huling tanda niya ay nasa sa sasakyan pa siya at umidlip para kahit paano ay mabawasan ang hilong naramdaman. Kaya naman pasimple niyang kinuha ang phone niya sa kanyang side table kaya naman nakalas ang pagkakayap ni Adrian sa kanyang tiyan. At nakita niya ang asawa na nakangiti habang naiiling. “Talagang umaga na talaga?” Hindi makapaniwalang tanung niya kay Adrian. “Yes my wife.” Sabi ni Adrian. “Napahaba pala ang tulog ko.” Sabi niya. 6:00 na umaga ang nakita niyang

