Adeline Sarmiento After ng wedding ceremony ay pumunta na kami sa aming reception. Medyo nakakaramdam ako ng pagod pero masaya naman. Pagdating namin sa table namin ay agad akong kinamusta ng asawa ko. “How are you feeling hon? Nagaalala ako sa iyo kasi sabi ni Mommy umatake daw kanina ang morning sickness mo habang inaayusan ka.” Nagaalalang tanung niya sa akin pagkatapos kong inumin ang tubig na iniabot niya. “Medyo napapagod lang ako at nahihilo pero bearable naman. Nageenjoy naman kami ni baby.” Sagot ko sa kanya. Kaya naman nakita ko ang pagalala sa mukha niya. “Puwede naman na tayo umalis para makapagpahinga na kayo ni baby mamaya kung anu pa mangyari sa inyo.” Sabi ni Adrian. “Hon kaya ko pa naman at siyempre kasal natin ito nakakahiya kung basta basta na lang natin iwan ang m

