Adeline Sarmiento Sabi niya sarili niya oo nasaktan siya pero hindi siya iiyak. Kaya naman dumiretso siya sa bahay ni Rosie na nasa labas na ng bahay nito na tila inaantay ang kanyang pagdating. Punong puno ang dibdib niya na alam niya anytime ay sasabog kaya pumunta siya taong alam niyang kailan man ay hindi siya hinusgahan at lagi niyang karamay anu man ang mangayari. “Oy beshy napasugod ka, Alam ba ng asawa mo na pumunta ka rito?” Bungad na tanung sa kanya ni Rosie sa kanya. Pero hindi siya nagsalita. Tahimik lang siyang naglakad papasok sa loob ng bahay ni Rosie. Pagkapasok ay tinanung siya nito kung anung gusto niyang inumin pero ang lintik na mga luha niya ay matigas ang ulo tulad niya dahil kusang bumabagsak ang mga ito sa kanyang mga mata. Sabi niya sa sarili niya ay hindi si

