CHAPTER SEVENTY-SIX WALANG mapagsidlan ang saya sa puso ni Alani. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pinaparamdam sa kanya ng asawa. Wala na siyang mahihiling pa kundi katahimikan sa kanilang pag-sasama. Tulog na tulog pa rin si Ezekiel sa kanyang tabi dahil sa pagod. Humihilik pa ito kaya hinayaan niya na lamang na magpahinga. Maghahanda sana siya ng kanilang almusal nang biglang tumunog ang cellphone ng asawa. Bumangon siya ng kama at nakita niya ng pangalan ni Greg na tumatawag sa kanyang asawa. Kilala niya naman ito kung kaya sinagot niya ang tawag ni Greg. “Hi, Greg!” magiliw niyang bati sa lalaki. “Ma’am gising na po ba si Boss?” tanong sa kanya ni Greg. Nahimigin niya ang pagkataranta sa boses nito kung kaya kinabahan siya. Napatitig tuloy siya kay Ezekiel n

