HINDI MAPIGILANG hindi maging masaya ni Alani. Tama nga ang kanyang kutob na si Angeline at ang kanyang bestfriend ay iisa. Kailanman ay hindi nagkamali ang kanyang kutob. Masaya siya dahil sa wakas ay masaya na rin si Hunter. Matagal din itong nangulila kay Becca at saksi siya sa tunay na pagmamahal nito para sa kaibigan. Naging sila man noon ni Hunter per kailanman ay hindi niya nakita sa mga mata nito ang labis na pagmamahal. Kung minsan talaga akala mo ay true love na kapag nagkaroon kayo ng relasyon pero ang hindi mo alam ay may inilaan pang iba ang Diyos para sayo-----at iyon ay ang tao na magbibigay kahulugan sa pagiging babae mo. “Anong iniisip mo?” tanong sa kanya ng asawa dahil napapangiti siya. “Tingnan mo si Becca at Hunter. Ang saya-saya nila. Hindi ko lubos akalain na maga

