DUGO at pawis ang puhunan ni Ezekiel sa kanyang itinayong wine business. Hindi madaling maging isang winery. Bukod sa naubos ang kanyang pera sa itinayong business ay kailangan niya rin malaman kung paano iyon patakbuhin. Kahit mahirap na malayo sa pamilya ay kinakaya niya. Bata palang siya ay gusto niya ng gumawa ng sarili niyang alak kaya ng magtayo ang ama niyang ubusan ay nagsimula na siyang mag-aral kung paano maging isang winery. Napapangiti siya sa tuwing na tinitikman niya ang mga alak na kanyang ginawa. Ang red wine na kanyang tinitikman ngayon ay galing sa mga dark fruits. Smooth and fruit forward. Great pairing for steak or other grilled meats. Gusto niyang ipangalan ang wine na ito sa asawa. Arancia Villareale. An Italian word. Mas matagal niyang ginawa ang Arancia Villarea

