MABUTI nalang at kahit papano ay nauunawaan na ng kanyang triplets na kailangan nilang magtrabaho ng asawang si Ezekiel. Ang gutso lang naman ng mga ito ay makita ang ama sa araw-araw. Iyon na rin siguro ng kagandahan ng may kakambal dahil nagkakaroon ng kalaro ang bawat isa. Nagiging independent na ang mga ito. Nauna nang pumasok sa opisina ang kanyang asawa. Siya naman ay gagamitin niya nalang ang isa nilang sasakyan. Nasa garahe na siya nang biglang may nag-doorbell. Hindi niya mapigilang hindi mapakunot noo lalo pa at wala naman siyang inaasahan na bisita. “Ako na po ang magbubukas Ma’am,” wika ni Yaya Sally sa kanya kaya tumango siya at nilagay niya na lang ang mga gamit sa loob ng kanyang sasakyan. Nagulat pa siya nang makita si Mr. Chan na kasunod si Yaya Sally. “Mr. Chan,” wika

